Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, November 10, 2012

JOLO REVILLA Pinakilala Na Si JODI STA MARIA sa Mga Magulang Na Sina BONG REVILLA at LANI MERCADO!!!


WALANG nagawa si Cong. Lani Mercado kundi harapin ang press para magbigay ng statement tungkol sa anak niyang si Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Iwas kasi nang iwas si Lani pero nakorner rin naman siya.

“Masaya ako para kay Jolo. Nakikita mo na ’yung direction niya sa buhay, alam na niya. Alam na niya kung ano ang gusto niyang gawin.

“Nakikita mo ’yung malasakit ng bata. Hindi mo na siya dinidiktahan kung ano ang gusto niyang gawin. Kusa na. Alam na niya. And he does it because he wants… May kusa siya,” pahayag ni Lani.

Eh, sa personal niyang buhay, dinidiktahan ba niya si Jolo?

“Hindi ko naman siya dinidiktahan lalo na sa personal na buhay. Lalo na sa lovelife,” tugon niya.

Eh, si Bong, dinidiktahan ba niya?

“Asawa ko siya! Karapatan kong diktahan siya! Hahaha!” deklara ni Cong. Lani.

Hindi pa ba nagsasabi si Jolo na ready na siyang lumagay sa tahimik?

“Wala pa naman. Sinasabi lang niya na magpupursige siya sa career niya. Na mas malawakan. Alam niya na meron pa siyang dapat gawin bago siya lumagay sa tahimik. Alam niya ’yung preparasyon na ’yon,” katwiran ni Lani.

Hindi pa ba nagpaparamdam ang anak na si Jodi na ang babae sa buhay niya ngayon?

“Ayokong mag-comment riyan! Hahaha! May sinabi siya na may nagpapatibok na dilag ng puso niya. Hanggang doon na lang muna tayo,” iwas niya.

Nakikita ba niyang seryoso ang dalawa sa kanilang relasyon?

“They inspire each other!” sambit ni Lani.

Ipinakilala na sa kanya si Jodi?

“Hahaha! May mga bagay na hindi ko dapat ikuwento. Hahaha! Ipinakilala na. Nagkikita-kita na kami. Nakipiyesta pa sa amin. Hahaha!” saad niya.

Ano ang masasabi niya kay Jodi?

“Mabait na bata. Mahusay na artista,” matipid na sagot ni Lani.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: