Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

JAKE EJERCITO Handang Pakasalan Si Andi Eigenmann, Kahit Tutol Ang Ina Na si Laarni

KUNG dati ay bantulot si Andi Eigenmann sa pagsasalita tungkol sa tunay na impresyon sa kanya ng pamilya Ejercito at ng mga taong nakapaligid dito, ngayo’y lantaran na rin nitong naitsitsika ang saloobin tungkol dito. “We were friends since we were small children. Our families know each other at nakilala rin namin ang isa’t isa. Basta ako, I will remain loyal to our friendship,” tsika ni Andi minsang mapag-usapan ang isyung umano’y hindi siya tanggap ng pamilya ni Jake Ejercito.

Sa mga hindi nakababatid, si Jake nga ‘yung kaibigan ni Andi na sa simula pa man ng problema niya sa pagbubuntis ay naging kaibigan na at naka-alalay sa aktres. At dahil mukhang masyado ngang nahuhulog ang loob ng binatang Ejercito sa anak ni Andi, lalo tuloy na-”define” (as observers put it) ang klase ng ‘love’ ni Jake kay Andi. Hindi na nga raw basta pagmamahal ng matalik na kababata at kaibigan, kundi isang pagmamahal para sa isang nais na makasama sa buhay.

Nagkataon lang na mahilig sa bata si Jake, at handa umano itong tanggapin ang anak ni Andi. Ang siste, gaya ng sa mga teleserye, tutol nga raw ang parents at mga malalapit na tao sa nais gawin ni Jake.

Mismong ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang nagtsikang kahit ang friendship ng ate niyang si Veronica Jones sa nanay ni Jake na si Laarni Enriquez ay affected na dahil sa mga usaping nabanggit.

“Marami akong nais sabihin pero mahirap na. Presidente iyan eh,” tsika pa ni Jaclyn sa isyu at patungkol sa ama ni Jake na si dating pangulong Erap Estrada.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: