Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 14, 2012

JAKE CUENCA Umamin In-Love Kay LOVI POE!!!


Uso talaga ang aminan ngayon on national TV. Inamin ni Jake Cuenca sa “The Buzz” na in love siya with Lovi Poe.

Pero aniya, wala pa silang relasyon. Parehas pa raw kasi silang busy sa kanilang respective careers.

Ano ba ’yon? In love ka sa isang tao pero hindi ka naman nag-e-effort . O, baka naman confident si Jake na kahit hindi siya mag-effort ay susuklian ni Lovi ang kanyang pagmamahal?

Sabi pa ni Jake, he’s so proud of Lovi. Amazing person/woman daw ito.

Nakatira sila sa isang condominium building pero separate units sila. Kaya natsitsismis na madalas nakikita roon sina Jake at Lovi.

Itinanggi pa noon ni Jake ang isyu ng tutukan ng baril that time na nag-uumpisa pa lang silang ma-link sa isa’t isa ni Lovi. Kabi-break lang noon nina Lovi at Ronald Singson. After Ronald, wala nang nabalitang nakarelasyon si Lovi, until pumasok sa eksena si Jake.

Isinama pa ng aktor ang dalaga sa Star Magic Ball two or three years ago. Sa last interview namin with Lovi, sinabi niyang hindi siya nililigawan ni Jake.

Friends lang daw sila. Hindi kaya friends in love ang drama nila?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: