Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 14, 2012

JAKE CUENCA.. Isang Buwan Magbabakasyon Sa BALI, INDONESIA!!!


Bukas ay magtatapos na ang teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Bangs Garcia, at Jake Cuenca.

Ayon kay Jake, makakapag-concentrate na siya ngayon sa Kahit Puso’y Masugatan ng Primetime Bida kung saan isa rin siya sa mga bida ng serye.

“Sobrang nagpapasalamat ako kasi tinutukan talaga siya, sobrang nakaka-flatter. Medyo naging busy talaga pero nakakalungkot kasi siyempre pamilya kami pero hindi naman nagtatapos lahat eh. To me Shaina is my favorite leading lady. Si Bangs, we’ve done so many projects together. Ang pagkakaibigan namin, ’di mawawala ’yon. Kung Ako’y Iiwan Mo was a baby project for me. Bineybi ko talaga ang project na ito. I really love the show. I’m just happy na tumagal kami,” nakangiting pahayag ni Jake.

Hindi raw talaga dapat palampasin ang mga huling eksena sa pagtatapos ng kanilang soap opera.

“Sobrang daming pasabog. Kung sa tingin n’yo matataas ang eksena na napanood n’yo noon, wala nang mas tataas pa rito kasi at this point desperado na lahat ng characters and a desperate person does desperate things na minsan hindi tama,” paglalarawan ng aktor.

Samantala, nagpaplano na si Jake na magbakasyon sa Bali, Indonesia sa susunod na buwan at sa Enero na ang kanyang balik sa bansa.

“I’ve never been there eh but I heard a lot of good things about it. Actually, si Miss Gloria Diaz ang nagsabi sa akin. Kung gusto mong magpahinga talaga, mag-rest, mag-start, Bali raw talaga. Sobrang ganda raw talaga doon,” sabi pa ng binata.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: