Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

IWA MOTTO Inagawan Si VALERIE CONCEPCION Nang Proyekto!!!

Noong una ay kampante na si Roi Vinzon na si Valerie Concepcion ang kanyang makatatambal sa maaksyong pelikulang “Daniel Rapido” at sa katunayan, ipinagsasabi na niya sa kanyang mga kaibigan kabilang kay Levy Ignacio na ang aktres ang kanyang kapartner.

Nakatakda na nga ang shooting ng pelikula sa Infanta, Quezon sa unang linggo ng Nobyembre at excited na si Vinzon na makadaupang-palad si Concepcion.

“Matagal ko nang pinagmamasdan ang batang ‘yan. Gandang-ganda ako sa kanya. Sabi ko nga sa sarili ko kung kailan ko siya makaka-partner,” sabi ni Roi na bumaba ng Maynila mula sa Kabisayaan para lang gampanan ang mahalagang papel sa kanyang solo starrer.

Marami nga ang may crush kay Valerie pero itinuturing lang ni Vinzon na nakababatang kapatid ang magandang aktres.

Hanggang kamukat-mukat mo’y si Iwa Moto na ang katambal ng action star.

Pati si Roi ay nagulat sa takbo ng mga pangyayari.

“I don’t even have anything against Iwa. The girl is also a lovable darling. Kaya lang, nabigla ako no’n, ‘a,” wika ni Roi.

Hindi umano pwede ang mga eskedyul ni Valerie kaya si Iwa na ang kinuha ng produksyon.

Nagmamadali na ang kompanya ng pelikula para maipalabas ang proyekto sa mga unang bahagi ng 2013 kasama ang pagbubuhay na mag-uli sa action movies.

Gaano katotoong inagaw ni Moto kay Concepcion ang natatanging papel?

“Hindi totoo na inagaw ni Iwa kay Val ang role. Sa katunayan, kami nga ang nakikipagnegosasyon kay Val no’n.”

“Kaya lang, masyadong busy si Valerie sa ABS-CBN at baka hindi niya kayanin na magpabalik-balik ng Infanta, Quezon at Maynila,” pahayag ni Felix Magat, ang potograpong nagtatrabaho sa produksyon.

“Mahusay rin naman si Iwa, a. At alam niya ang kanyang ginagawa,” wika ni Felix.

Makakasama nina Moto at Vinzon sa “Daniel Rapido” sina sina Joel Ortega, Danny Labra at Dr. Myrna Vargas mula sa direksyon nina Dyzal Damul at Carlo Montero.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: