Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 14, 2012

IWA MOTTO Ginagamit Si JODI STA MARIA

HINDI namin maintindihan kung bakit kailangan na namang mag-ingay nitong si Iwa Moto patungkol sa isyu nilang dalawa ni Jodi Sta. Maria na hindi matapos-tapos.

Pilit talagang ginugulo ni Iwa ang tahimik nang buhay ni Jodi! Wala na ba siyang ibang maisip na isyung gusto niyang mapag-usapan siya?


At hindi ‘yung pilit inuungkat ang mga nakaraang siya naman talaga ang totoong naging talunan at nagmukhang nagger na aminado naman siya huh!

Well, hindi na siguro kailangang sagutin o sumagot pa ni Jodi about that issue na ayon pa sa isang text message na aming natanggap mula mismo kay Jodi na hayaan na lang si Iwa sa kanyang ginagawa.


Mas pagtutuunan na lang daw ni Jodi ang ibang bagay pang mas may kabuluhan at makakatutulong sa kanya.

Kung sabagay, diyan mo naman makikita kung anong klaseng pag-uugali mayroon itong si Iwa.


Natawa na lang si Jodi sa binanggit ni Iwa na lalabas at lalabas din daw ang baho ng bawat tao dahil wala naman daw bahong itinatago si Jodi ‘noh!

Naku Iwa, hindi ka pa rin talaga natuto! Panoorin mo na lang siguro araw-araw ang seryeng Be Careful With My Heart sa bagong timeslot nito na lalo pang kinagigiliwan ng madlang people afterMasterChef Pinoy Editon mula Lunes hanggang Biyernes at Sabado rewind!
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: