Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

ISABEL DAZA Ipapalit Kay KYLIE PADILLA Sa Teleseryeng PAHIRAM NG SANDALI??!!


Kasalukuyang nagsu-shooting si Dingdong Dantes ng pang-MMFF entry niya na pelikula sa Star Cinema, ang One More Try, kasama sina Angelica Pa­nganiban, Zanjoe Marudo at Angel Locsin, nang lumabas ang balitang nagba-back-out na si Kylie Padilla sa kanilang primetime series na Pahiram ng Sandali.

Sina Dingdong at Kylie sana ang magkapareha sa naturang soap kung saan, makakasama nila sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon sa ilalim ng direksiyon ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Pero nagulat na lang ang lahat dahil biglang may inilabas na statement ang management ni Kylie, ang Vidanes ­Management at gayundin naman si Kylie sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na hindi na nga raw siya tutuloy sa kanilang soap ni Dingdong.

Narito ang naging tweet ni Kylie noong November 9 kasabay halos ng paglabas ng kanyang official statement sa pagba-back-out sa Pahiram ng Sandali.

“To all my Kylinatics I just want to tell u guys proud ako to represent my beliefs at hindi ako ready to take on a very intimate & mature scene. Although the project is great I had to let go. I want to thank my GMA family for understanding. I know they will give me a great pro­ject soon.

“And I want to thank my GMA family and I know they will give me a great project soon please support me like always love you all.”

Dahil mas mature at may kissing scene nga raw sina Dingdong at Kylie, tingin nito, posibleng maapektuhan nito ang kanyang belief bilang isang Muslim.

‘Yun nga lang, mukhang hindi yata talaga meant na maging magka-loveteam pa sina Dingdong at Kylie. Kung matatandaan, dapat sana, ang primetime series na nila ang umeere nga­yon at hindi pa ang Temptation of Wife, pero dahil na-shelve nga ang Haram na original na pagtatambalan nina ni Kylie at pinalitan ng Pahiram…and yet, heto’t mukhang may aberya na naman dahil nga sa pagba-back-out ni Kylie.

Tila mailap daw tuloy ang leading lady kay Dingdong dahil kung matatandaan, sa My Beloved, origi­nally, iba rin sana ang lea­ding lady doon ni Dingdong bago pa naging ang real-life leading lady niya na si Ma­rian Rivera.

Ang tanong ngayon ay kung posible kaya silang umabot at makapag-pilot na kung hindi kami nagkakamali, dapat ay November 27 nga ba? Kapalit ng magtatapos na Coffee Prince?
Ang tanong naman ng marami ngayon ay kung sino raw kaya ang ipapalit ng GMA-7 na leading lady na ni Dingdong?

Ilang Kapuso actress ang lumabas sa ilang thread sa internet. Nandiyan ang mga fans ni Jennylyn Mercado na masigasig na nagsu-suggest sa actress na maging leading lady na raw ni Dingdong. Meron din naman nagsasabing Carla Abellana.

At may nagbabanggit din ng pa­ngalan ni Isabelle Daza, ‘yun nga lang, dahil sa pagkaka-link nina Dingdong at Isabelle kamakailan lang dahil sa isang imbentong blind-item, ang da­ming haters at ‘wag daw ipe-pair ng GMA, huh!

The latest we heard, may nahanap na ­namang kapalit ang GMA-7 para maging bagong ­leading lady ni Dingdong. Ang alam namin, wala pa ya­tang idea ang bagong lea­ding lady na ito at tila pla­nong isorpresa sa kanya kung sino man ito.

Pero ‘yun lang, dahil nga sa statement na inilabas ni Kylie, walang tigil din ang karamihan, mapa-showbiz insider o fans man na alamin kung sino na nga ang kapalit.

Surprisingly, mukhang ang galing ng mga fans at mukhang ang nakuha nilang impormasyon ang tama. Sigurado naman na anytime this week, ilalabas na rin ng Kapuso network ang pangalan ng bagong magiging love interest ni Dingdong sa Pahiram ng Sandali.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: