Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

IPAGLABAN MO! Nang ABSCBN Muling IBABALIK NANG GMA!!!


Kasabay ng pagpapa-press preview ng Mada­ling Araw, Mahabang Gabi ang launching naman ng isang programa na magsisimulang mapanood sa GMA News Channel sa Nov. 10, Sabado, 2:30 p.m.

Pinamagatang Ipaglaban Mo, isa itong serye na mapapanood minsan isang linggo tungkol sa mga kuwentong legal na dumaan na at nabigyan ng kalutasan sa korte.

Isang matagumpay na serye ang Kung May Ka­tuwiran Ipaglaban Mo na unang napanood sa IBC 13. Makaraan ng mga tatlo o apat na taon ay napunta ito sa ABS-CBN na kung saan ay inabot ng 10 taon ang pagpapalabas nito. Nagawa pa rin itong pelikula.

Bago ito napagdesisyunang i-revive ng GMA News TV, nagkaroon pa muna ng programa ang mag-amang tatayong hosts ng programa na sina Atty. Jose Sison at ang anak niyang si Jopet Sison. Ito ang Ikaw at Ang Batas na napanood sa cable channel. Pag-aari ng Ipaglaban Mo Foundation ang nasabing palabas kaya hindi na kinailangang humingi ng permiso kaninuman para lang ito maipalabas muli.

Mga bagong kaso ang itatampok sa palabas ng GMA News TV. Ang unang episode na magtatampok kina Dominic Roco at Glaiza de Castro ay tungkol sa child custody. Sino ba ang may karapatang kumupkop sa isang bata na nawalan ng ina sa pagsisilang sa kanya, ang kanya bang mayamang lolo’t lola na kayang ibigay ang lahat niyang pangangailangan o ang kanyang napakahirap na ama na halos hindi kayang buhayin ang kanyang sarili, ’tapos daragdagan pa ng isang anak?
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: