Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

GMA Network Tinaasan Ang TALENT FEE Ni EUGENE DOMINGO Para Mag Balik KAPUSO!!!


Mga siga sa kanto ang deskripsyon ni Eugene Domingo sa co-hosts niyang sina Jose Manalo at Wally Bayola sa bagong game show ng GMA 7, ang Celebrity Bluff.

Pero ang mga ordinaryong itsura raw nina Jose at Wally ay makakalimutan mo kapag nakita mo na ang husay nila sa pagpapatawa.

Sey ni Uge, hindi ka bibitiw sa dalawa kapag bumanat na sila ng komedi sa harap ng kamera. Tatahi-tahimik lang daw ang mga ito sa tabi na parang mga walang ibubuga, pero kapag nagsimula na silang magtrabaho ay hindi ka raw bibitiwan nang buhay.

Base sa obserbasyon ni Uge, mahusay si Jose sa lahat ng klase ng comedy. ‘Pag ito raw ang humirit ay hindi nito pakakawalan. Samantalang magaling naman sa paggamit si Wally ng kanyang katawan para maging instrumento sa pagpapatawa.

Sa presscon ng CB, napansin namin ang panghaharot nina Jose at Wally kay Uge. Kaya tinanong namin ang komedyana kung hindi ba siya natatakot na sa itsura ng dalawa ay puwede siyang gahasain ng mga ito.

Tili naman ni Uge, pagagahasa raw ba siya kina Jose at Wally, pagkatapos niya kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, na pareho niyang nakasama sa pelikula.

“Subukan lang nila. Ano ‘to? Hindi na ako nag-iisip? Wala na akong taste?” natatawang bulalas ni Uge.

Siyanga pala, muntik na palang hindi makabalik sa GMA si Eugene kung tinanggap niya ang alok na talk show sa ABS-CBN 2. Hindi raw nag-materialize ‘yon dahil ginagawa niya ang katatapos lang na stageplay na Bona. Naging maagap daw ang GMA 7 na alukan siya ng show pagkatapos ng naturang stageplay.

Ang GMA 7 na raw mismo ang nagkusang itaas ang kanyang talent fee mula sa natatanggap niya sa Comedy Bar show nila ni Allan K noon.

Siyanga pala, tuwing Pasko ay lumalabas ng Pinas si Uge para magbakasyon. Ngayong Pasko ay sa Thailand naman siya magliliwaliw.

“Lahat na ng mga bakla nakapunta ng Bangkok, ako pa lang ang hindi. So, ‘yun ang plano kong puntahan ngayong December!” sey na lang ni Eugene.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: