Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

GLADYS REYES Ayaw Matawag Na KAPUSO, KAPATID, at KAPAMILYA... Mas Gusto Niyang ang Term Na KATRABAHO!!!

Gladys Reyes - Lalola

Naging magkaibigan at sumikat sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes nang magkasama sila sa Mara Clara, ang afternoon teleserye ng ABS-CBN na nagsimulang mapanood sa TV noong 1992 hanggang 1997.

Ironically, ngayon ang pilot telecast ng mga bagong television program ng magkaibigan. Mag-uumpisa ngayong umaga, pagkatapos ng Unang Hirit, ang Nay-1-1, ang 30-minute program nina Gladys at Jaya na magi­ging tagapagligtas ng mga nanay na may iba’t ibang problema. Bilang mga host ng Nay-1-1, magbibigay sina Gladys at Jaya ng mga payo at tips sa mga simple at mabibigat na problema ng mga ina.

Napapanood si Gla­dys sa mga show ng GMA 7, ABS-CBN at TV5. Hindi Kapuso, Kapamilya o Kapatid ang turing ni Gladys sa sarili dahil mas bagay raw sa kanya na makilala bilang Katrabaho. Sa dami ng mga ginagawa ni Gla­dys, walang kaduda-duda na certified Katrabaho siya.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: