Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

Eugene Doming, Edgar Allan Guzman at Lea Salonga Nominado Sa Broadway Worl Best actor/actress


HINDI talaga magpapahuli ang Pilipinas pagdating sa magagandang theater productions. Ngayon nga’y buhay na buhay uli ang teatro dito sa bansa. Kaliwat kanang theatrical productions ang kasalukuyang naghahanda ngayon para sa malakihang pagtatanghal nito sa iba’t ibang venue sa Metro Manila.

Kamakailan lamang ay pinag-piyestahan ng theater lovers ang pagsasa-entablado ng pelikulang “Bona.” Umarangkada rin ang musical na “Nine” at “Carmen” noong Oktubre.

Ngayong Nobyembre naman, magbubukas ang bagong adap-tation ng “Alladin” na pagbibida-han nina Tom Rodriguez, Aiza
Seguerra at baguhang singer na si K-La Rivera. Sa Nov. 16 na rin magbubukas ang pinag-uusa-pang “Sayaw ng mga SENIORita” na pinagbibidahan ng mga director na sina Joel Lamangan, Soxy Topacio, Manny Castaneda, kasama pa ang comedian host na si Arne!! Ignacio at BB Gandanghari.

Lab o pang pinainit ang usapin sa teatro nang inanunsiyo na magkakaroon ng audition ang “Miss Saigon” dito from Nov. 19 to 22 para sa muling pagbubukas nito sa London.

Kaya naman pati sa pagbibigay parangal sa teatro ay hindi rin magpapahuli ang ‘Pinas. Kamakailan sa Facebook page ni Oliver Oliveros, isang Pinoy na nagtatrabaho sa Broadway- World New York (dati siyang PR manager ng Stages Productions, Philippines) at kasalukuyang regional site editor para sa Pili-pinas, inanunsiyo nito ang mga nominado sa BroadwayWorld Philippines Awards.

May 25 na kategorya ito na sumakop sa mga itinanghal na theater plays and musicals from October 2011-September 2012.

Ang BroadwayWorld.com ay isang theater news website sa United States, United Kingdom at mga 20 pang bansa at naghahanda na para sa BWW Awards na sabay-sabay na gaganapin sa lahat ng mga bansang kinasasaklawan nila, kasama na ang Pilipinas.

Nagsisimula na ngayon ang botohan para sa mga kategorya sa ibaba at tatakbo ito hanggang Dec. 15. January naman next year gaganapin ang awards night.

Kabilang sa mga nominado sa 2012 BWW Philippines Awards ay sina Lea Salonga, best actress (play) nominee para sa “God of Carnage” ng Atlantis Productions at Singapore Repe¬tory Theater; Eugene Domingo, best actress (play) nominee para sa “Bona” ng Philippine Educational Theater Association; at Edgar Allan Guzman, best actor (play) nominee para rin sa “Bona.”

Makikita ang buong listahan ng mga nominado sa 2012 BWW Philippines Awards sa philippines.broadwayworld.com

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: