Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

ENZO PINEDA at LOUISE DELOS REYES Isang Taon Nang Mag ON!!!


Hayagang inamin ni Louise delos Reyes na ang relasyon nila ni Enzo Pineda ay higit isang taon na. Masaya ring ibinahagi ni Louise na kasundong-kasundo ng kaniyang ina ang boyfriend. Wala rin daw pagdududa ang dalagang aktres sa sexual preference ni Enzo. Matatandaang nagkaroon ng isyu ang pagkalalake ni Enzo Pineda dahil na rin umano sa pagiging prim and proper nito. Isang blind item ang lumabas kung saan nahuli umano ang isang aktor na inaamoy ang underwear ng kapwa nitong aktor at halata naman daw na si Enzo ang tinutukoy nito. Nagawa na rin umanong makipag-away ni Louise delos Reyes sa Twitter dahil na rin sa nag-tag sa kaniya sa naturang blind item.

Natawa na lamang daw si Enzo Pineda nang ipaalam ito ng kaniyang girlfriend at sinabing huwag na lamang pansinin ito dahil wala itong katotohanan. Aminado si Louise na hindi niya nagustuhan ito dahil alam niyang kasama rin siya sa naturang dressing room at hindi niya nakitang ginawa ito ni Enzo. Magkalayo rin umano ang dressing room ni Enzo Pineda at ng isang taong involved sa blind item at hindi totoo na madalas na magkasama ang dalawa. Isang malaking kasinungalingan daw ito para kay Louise delos Reyes dahil halos isang taon na silang magkasama sa iisang dressing room ng kaniyang boyfriend.

Ayon pa sa dalaga, ang isang taong nabanggit sa blind item ay matagal na rin daw pinagdududahan ngunit pagdating kay Enzo ay hindi raw talaga totoo ang ibinabatong intriga sa aktor. Gusto raw talaga awayin ni Louise ang nagpakalat nito dahil alam niyang imposible itong mangyari. Pinigilan lamang daw siya ni Enzo Pineda dahil alam naman daw talaga nila kung ano ang totoo. Hindi rin daw malapit ang binata sa isa pang lalakeng nabanggit. Madalas din umanong kasama ng dalaga ang boyfriend nito kung kaya alam niya kung ano talaga ang totoo.

No comments: