Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

ENCHONG DEE AYAW MAG SALITA SA ISSUE NA HIWALAYAN NILA NI JULIA MONTES


Kamakailan ay isang sorpresa ang inihanda ni Julia Montes para sa kaa­rawan ni Enchong Dee habang nasa Amerika sila para sa Star Magic Tour.

“Meron talaga kaming show sa LA (Los Angeles, California) ’tapos after ng show namin meron kasi akong ibibigay na regalo sa producer namin kasi nga may nagpapaabot. Pagbukas ko ng pinto, I didn’t know na ’yun pala ang kuwarto niya (Julia). Pagpasok ko, ’andun na silang lahat and she’s the one who organized it,” nakangiting kuwento ni Enchong.

Hindi pa man umaamin na meron ng espesyal na namamagitan kina Enchong at Julia ay may mga balitang lumabas na nagkahiwalay na ang dalawa.

“Naku, ayan na naman sila, siguro mabuti huwag na lang sagutin kasi every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinapaniwalaan ang sagot ko, so, ’yun na lang,” pagtatapos ng binata.

No comments: