Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

DOMINIC ROCO MALAKI ANG TAMPO SA GMA!!!!


Hindi itinatago ni Dominic Roco ang kaniyang tampo sa GMA Network dahil tila wala umanong nangyayari sa kaniyang career. Pumirma ng limang taong kontrata si Dominic sa GMA Artist Center at halos isang taon na lamang ang natitira rito. Nilinaw naman ng GMA network ang sinasabing pagpapabaya umano nila sa career ni Dominic Roco na anak ng batikang aktor na si Bembol Roco. Nilinaw ng tagapagsalita ng GMA network na hindi nila pinapabayaan ang career ng binatang aktor dahil kasalukuyan naman daw itong kasali sa epic-fantasy series na Indio na pagbibidahan ng senador na si Bong Revilla.

Alam na rin umano ni Dominic ang naturang role na kaniyang gagampanan sa bagong teleserye at ang ibinigay umanong role ng GMA network sa binata ay mahalaga sa itatakbo ng teleserye. Isa si Dominic Roco sa may pinakamahalagang karakter sa bagong proyekto ngunit itinanggi naman ng tagapagsalita ang iba pang detalye patungkol dito. Mahaba raw talaga ang aabutin ng taping ng teleserye kung kaya maaaring ito ang dahilan kung bakit naiinip na si Dominic para sa kaniyang baong serye sa Kapuso network.

Hindi naman sinabi kung kailan papasok ang magiging karakter ni Dominic Roco sa teleserye ngunit sinigurado ng GMA network na malapit na magsimula ang aktor sa pagtatrabaho. Gusto rin umanong siguraduhin ng Kapuso network sa binatang aktor na parte pa rin siya ng produksyon ng Indio dahil na rin sa mahalaga nitong role. Konektado rin umano ang pagiging bahagi ni Dominic sa epic drama sa pag-alis sa kaniya sa kasalukuyan nitong afternoon teleserye.

Nakita umano ng GMA network na mas bagay si Dominic Roco sa bago nitong role kung kaya minabuti nilang alisin muna ito sa dating proyekto. Naniniwala rin umano sila na magandang exposure at pagkakataon ito para kay Dominic bilang isa sa mga major characters ng serye. Ang teleseryeng Makapiling Kang Muli na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang huling ginawang proyekto ni Dominic Roco. Sinabi umano sa kaniya noon ng kaniyang network na magiging malaki ang kaniyang role rito ngunit bigla na lamang daw siyang tinanggal sa kalagitnaan ng istorya.

Paglilinaw ng tagapagsalita ng GMA network, ang pag-alis ng binatang aktor ay may dahilan dahil kinakailangan pa umanong ayusin ang kuwento ng serye. Naging bahagi naman daw si Dominic ng pilot week at bumalik ng 4th week kung saan inabot pa siya ng 9th week sa serye. Naniniwala umano ang GMA network na si Dominic Roco ang isa sa pinakamagaling na character actors sa kanilang istasyon. Gusto lamang din daw nilang linawin na hindi nila pinabayaan ang career ng binata dahil nagkaroon naman umano ito ng sapat na exposure sa mga teleserye.

Three years renewable ang kontrata ni Dominic Roco sa GMA network at GMA Artist Center. Ayon sa binata, two projects in a year ang nakalagay sa kaniyang kontrata ngunit tila hindi naman daw ito nasusunod. Itinanggi naman ng management ang nabanggit ng aktor dahil hindi umano totoo na hindi nila nasusunod ang naturang kontrata. Gusto umano ng GMA network na siguraduhin kay Dominic Roco na seryoso sila sa pagtupad ng kontrata nito sa istasyon. Hindi naman daw matatapos sa Indio ang pagbibigay ngproyekto kay Dominic dahil malaki raw ang tiwala nila sa talento ng binata.

Matatandaang lumabas din si Dominic Roco sa afternoon soap ng Kapuso network na sisid kung saan isa siya sa mga lead nito. Pinapahalagahan ng Kapuso management ang talento na mayroon ang aktor kung kaya hindi naman daw nila papayagan na basta-basta na lang itong mapapabayaan. Pinabulaanan din ng GMA network ang sinabi ni Dominic na binabase lamang daw sa itsura ang pagkuha nila ng mga pwedeng bumida sa kanilang mga teleserye dahil isang committee umano ang nagdedesisyon nito.

No comments: