Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

DIANA MENEZES IKAKASAL NA!!!


Daiana Menezes
Si House Representative Benjo Benaldo ng Cagayan de Oro First District ang escort ni Daiana Menezes sa birthday party ni TAPE Inc. Exe­cutive Malou Choa-Fagar na ginanap sa Imperial Pa­lace Suites Penthouse noong Martes ng gabi.


Hindi basta escort ni Daiana si Congressman Benaldo dahil engaged na sila at nangyari ang engagement noong September sa harap ng Eiffel Tower sa Paris, France.


Walang plano ang dalawa na magsalita tungkol sa kanilang engagement pero hindi sila nakatanggi na umamin dahil napansin ng mga kausap nila ang diamond ring sa daliri ni Daiana.


“Ang galing n’yo!” ang sabi ni Congressman Benaldo dahil nadiskubre ng kanilang mga kaharap ang sikreto nila ni Daiana. Ikinuwento ng fiancee ng Brazilian model-actress ang kumpletong de­talye ng engagement nila habang paulit-ulit ang pagsasabi niya sa kanyang mga kausap ng “Ang galing n’yo!”


Komportableng-komportable si Benaldo sa pakikipagkuwentuhan sa press kaya hindi siya mahihirapan na mag-adjust sa mundo ng kanyang “future wife”.


Nagbigay ng hint sina Daiana at Congressman Benaldo na posibleng magpa­kasal sila sa susunod na taon sa Paris dahil dito naganap ang engagement nila.


Ang engagement ng dalawa ang third engagement experience ni Daiana. August of last year nang aminin nila ng kanyang ex-boyfriend, ang direktor na si GB Samped­ro, ang kanilang engagement at ang plano nila na magpakasal sa loob ng elevator dahil dito sila unang nagkita at nagkakilala.


Walang kasalan na naganap sa pagitan nina GB at Daiana dahil inamin nito noong November 2011 ang kanilang ugly and bitter break-up. Ibinalik ni Daiana sa ex-fiancee ang engagement ring at nagkuwento sa press na big­lang bumili si GB ng very expensive sports car, matapos ang pagsosoli niya sa singsing.


Umaasa si Daiana na matutuloy ang kasal nila ni Congressman Benaldo dahil third engagement na niya ito. Kapag hindi pa natuloy ang kanyang pagpapakasal, siya na raw ang may problema. Apparently, hindi aware si Daiana sa kasabihan na “It comes in threes...”

No comments: