Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

DAWN ZULETA May Bonggang Next Project!!!



AFTER Walang Hanggan ay may bongang-bonggang proyektong gagawin si Dawn Zulueta.

Habang hinihintay ang said project ay super pahinga muna ang aktres at binibigyan ng priority ang pagiging nanay at asawa. Kapag natuloy ay tiyak na pag-uusapan na naman ang bagong major project ni Dawn.
Wala munang binanggit sa amin ang source, na isa sa very close kay Dawn, kung sino ang kanyang makasama at kung saang istasyon ito,huh!

Samantala, hindi nagdalawang salita si Dawn nang pinakiusapan ni Ms. Tess Celestino na maging presentor for the Lifetime Achievement Award ni German Moreno sa Star Awards for television sa Sunday, Nov. 18, and to be aired sa Channel 2 sa Sunday’ Best sa Nov. 25.

Kaya siguradong dadalo si Dawn sa Star Awards for TV lalo na’t matunog din ang kanyang pangalan bilang isa sa mga nominadong Best Drama Actress para sa Walang Hanggan.

Incidentally, in behalf of Magat Salamat Elementary School na ang inyong lingkod ang PTA president, taos puso naming pinasalamatan si Dawn sa kanyang 50k worth na donation of goods. Pinakiusapan kasi namin Pinakiusapan kasi namin si Dawn through Ms. Vivian Recio para sa “Feeding Program“ namin sa nabanggit na elementary school sa Tondo.

Hindi rin kami nagdalawang salita ng tulong si Dawn sa kabataang araw-araw na pinapakain dahil pumapasok sa eskuwelahan na walang almusal o tanghalian.

Maraming salamat Ms. Dawn Zulueta.


JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: