Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

Dating Pangulong Joseph Estrada Walang Problema Sa Relasyong Nang ANAK Na Si JAKE EJERCITO Kay ANDI EIGENMANN!!!


SO, wala palang problema kay former President Joseph Estrada ang pakikipagrelasyon ng anak niyang si Jake Ejercito kay Andi Eigenmann.

Sa isang interbyu, sinabi ng dating pangulo na hindi siya nakikialam sa matters of the heart at hindi na niya kailangang turuan ang anak niya kung ano’ng gusto nito. Matalino raw si Jake.

Wala namang pahayag ang mommy ni Jake na si Laarni Enriquez na isang dating aktres. May nakapagtsika sa amin na hindi naman super friends sina Laarni at Jaclyn Jose na mommy ni Andi Eigenmann. Ayon sa source, si Veronica Jones na dating sexy star at nakatatandang kapatid ni Jaclyn ang talagang kaibigan ni Laarni.

Nakakasama lang daw si Jaclyn kapag may lakad sina Veronica at Laarni noong kabataan nila. Tsika pa ng source, childhood friends sina Jake at Andi, pati ang anak ni Jean Saburit na si Nicole. Friend din kasi nina Laarni, Veronica at Jaclyn si Jean. Bonding-bonding sila kasama ang mga anak-anak nila hanggang lumaki na ang mga ito.

Dagdag pa ng source, tinawagan diumano ni Laarni si Veronica at sinabi raw (raw ha?) na hindi nito gusto si Andi for her son dahil may anak na ito. May mga sinabi pa raw diumano si Laarni kay Veronica nguni’t ayaw naman nitong makialam sa namamagitang relasyon between Jake and Andi kahit pamangkin nito ang huli.

Kaya pala, sa mga interbyu kay Jaclyn, may mga pahapyaw siyang salita tungkol sa mga magulang ni Jake.

Hindi naman masisisi si Laarni kung totoong tutol nga siya sa relasyon ng anak niya kay Andi. Damdamin ’yun ng isang inang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang anak.

Hindi rin masisisi si Jaclyn sa ginagawa niyang pagtatanggol kay Andi. Ina rin siyang nagmamahal at nagmamalasakit sa kanyang anak.

Kung talagang nagmamahalan sina Andi at Jake at handa nila itong ipaglaban, may magagawa pa kaya sina Laarni at Jaclyn?

Sa tweet nga ni Andi, handa siyang patunayang karapat-dapat siya sa pagmamahal ni Jake sa kanya. Parang isang magandang teleserye na inaabangan ang complicated love affair nina Jake at Andi.

c/o TEMPO

No comments: