Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

Dahil TISOY... AGA MUHLACH Hindi Daw Pinoy!!?


Malakas si Aga Muhlach sa Camarines Sur na tatakbo siya bilang Congressman sa ilalim ng Liberal Party. Eh, bakit ‘di ka mapapa-aru, heto’t may balitang ipinadidis-qualify siya at kinukuwestiyon ang kanyang citizenship, hindi raw siya Filipino. Ano? Eh, sino siya? Kuno Espanyol. Hesus patawarin, pumuti lang naging Tisoy, naging tunog banyaga lang ang apelyido, Spanish na.

Okey baka ‘yung mga ninuno niya ang may dugong Kastila at baka isang patak lang ng dugo nila ang humalo sa dugo ng actor. Pero si Aga or Alvaro Muhlach ay isang tunay na Pinoy, dugong Pinoy, anak ng mag-asawang Pinoy, ang tatay niya ay si Cheng Muhlach, ang nanay niya ay si Anita Moreno na Pinoy na Pinoy, lalo sa kutis at kulay. Mga kapatid ni Aga sina Arlene na lumalabas din sa TV at ang latest na nilabasan ay ang number one TV show sa ABS-CBN na Walang Hanggan at ang bunso ay si Nognog, hindi ito ang name niya pero maitim kasi siya kaya tinawag kong Nognog, at talagang tall, dark and handsome. Since birth ay Pinoy si Aga kaya full alarm ang nag-research ng kanyang pagkatao. Ibig sabihin makakalaban niya ang tatakbuhang position sa Camarines Sur ang nagpapa-disqualify sa actor na sa totoo lang may malaking maitutulong sa mamamayan ng Camarines Sur.

Pinaghandaan ito ni Aga, marami siyang gustong gawin sa mga mamamayan, target niya: edukasyon, erase poverty, paunlarin ang fishing industry, health care at palakasin ang livelihood. At bilang preparation, nag-aral siya ng short course sa isang unibersidad, bagamat well educated ang actor na host ng Pinoy Explorer ng TV5 sapul nang magsimula siyang matuto ng ABC. At sa bayan ng mga Muhlach na buhay na buhay pa ang mga kaanak, nagkaroon na ng property si Aga and family, sina Charlene at twins na Andres at Agatha na akala mo mga likas na Bikolano, dahil magagaling magsalita ng Bikol. At lahat ng requirements ng gustong maglingkod sa bayan ay nagawa ni Aga.

Malawak na ang bonding ng mag-aanak sa mga kababayan na itinuring na rin niyang mga kapatid. Well heto na at kinukuwestiyon na ng makakalaban ang citizenship ng poging Bicolano. Why? Dahil malakas at matunog ang laban? Hay naku Politics, ang tindi! Pasalamat ka Aga sa pahayagang Hataw, pahayagan ng katotohanan, walang takot sa pagbubulgar ng mga balitang kapani-paniwala. Sa pahayagang ito nalagay ang isang stolen shot sa isang five star hotel, nag-uusap ang dalawang top officials ng Comelec with a top government official naman ng Camarines Sur. Yun pala ang topic ng kanilang pag-uusap ay ikaw, to disqualify you as candidate ng Camsur sa Congress, kasi related or anak niya ang candidate, same position na tatakbuhan mo (Aga). ‘Yun na!

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: