Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

COLEEN GARCIA Masaya Kay GAB VALENCIANO... WALANG PAKIALAM SA NAKARAAN Nang Actor!!!

Naniniwala si Coleen Garcia na kilala niya na ang nobyo nitong si Gab Valenciano kung kaya hindi na siya nag-aalala sa mga pwedeng sabihin pa ng tao patungkol sa kaniya. Ang mga kilalang naging ex-girlfriend ni Gab sa mundo ng showbiz ay si Rachelle Anne Go at Isabel Oli. Aminado si Coleen na kuntento na siya sa relasyon nila ng kaniyang boyfriend at wala nang hahanapin pa. Nang maging boyfriend umano ni Coleen Garcia si Gab Valenciano ay tila nagbago ang kaniyang buhay dahil mas naging totoo na siya sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga nararamdaman.

Hindi naman daw naging problema kay Coleen ang mga naging karelasyon ni Gab noon. Matagal na umanong magkakilala ang magkasintahan bago pa sila magkaroon ng relasyon. Kilala umano ni Coleen Garcia ang binata noong ito ay may girlfriend pa at bago pa nanligaw ang binata sa kaniya. Alam din umano ng dalaga kung ano ang totoong Gab Valenciano kung kaya hindi na siya nag-aalala sa mga pwedeng sabihin ng ibang tao. Kamakailan lang ay naging bukas sina Gab at Coleen sa kanilang exclusively dating status ngunit iginiit na ayaw nila itong malagyan ng label na masyadong showbiz.

Maituturing ni Coleen Garcia na low profile ang kanilang relasyon ng boyfriend na si Gab Valenciano. Hindi naman daw itinatago ng magkasintahan ang kanilang relasyon dahil nagagawa naman nilang lumabas na magkasama sa publiko. Nagpapasalamat naman si Coleen dahil hindi naging problema sa kanila ni Gab ang kanilang mga magulang. Ipinagmalaki ng 20-taong-gulang ng dalaga kung gaano kamahal ng kaniyang pamilya ang kaniyang boyfriend. Masaya rin daw ang pamilya ni Coleen Garcia dahil natagpuan nito ang isang katulad ni Gab Valenciano.

Ibinahagi naman ni Coleen na sa tuwing sila ay lalabas na magkasama ni Gab para sa mga event ay gusto nilang magkatugma ang kanilang mga isinusuot na damit. Bilib na bilib naman ang It’s Showtime host sa fashion sense ng kaniyang nobyo dahil sa pagiging kakaiba nito. Gustong-gusto raw niColeen Garcia ang mga porma ng boyfriend na si Gab Valenciano sa harap o likod man ng kamera. Dalawang taon na ang nakakaraan nang unang magkakilala ang dalawa at ito ay nangyari bago pa ligawan ng binata ang dalagang host.


JoKer DeTor Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: