Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

CHERIE GIL Game Na Game Na Nakipag HALIKAN kay KEAN CIPRIANO!!!!


Magkapareha sina Kean Cipriano at Cherie Gil sa pelikulang Madaling Araw, Mahabang Gabi kung saan nagkaroon pa sila ng isang mainit na kissing scene. Ang pelikulang ito ay sa ilalim ng direksyon ni Dante Nico Garcia kung saan kasama rin sina Glaiza de Castro, Dominic Roco, Edgar Allan Guzman, Karel Marquez, Buboy Garrovillo, Lou Veloso, Alchris Galura, at Rocco Nacino. Ayon kay Kean isang wild experience ang kanilang naging eksena ng batikang aktres na si Cherie. Isang malaking karangalan para sa binatang aktor ang makasama at makaeksena sa isang proyekto ang mahusay na aktres. Hindi naman itinanggi ni Kean Cipriano na hindi siya naging kumportable nang una niya itong ginawa dahil may takot pa rin siyang nararamdaman para kay Cherie Gil.

Ibinahagi ng singer-actor na matagal na siyang tagahanga ni Cherie dahil sa kaniyang galing sa pag-arte. Dahil beterano na ang kapareha ni Kean ay sinigurado naman ng binata na nakapaghanda siya para rito. Habang nasa byahe pa lamang ang aktor papuntang location ay hinanda niya na ang kaniyang sarili. Ibinigay naman daw ni Kean Cipriano ang kaniyang 100% na performance para kay Cherie Gil. Nagawa rin umano niyang kausapin ang kapareha at humingi ng advice sa kung ano ang pwede niyang gawin para sa kanilang eksena.

Sa huling naging panayam kay Cherie ay nabanggit niya na excited na siya sa kissing scene nila ni Kean. Kinilig naman ang aktor nang marinig ito dahil galing ito sa mahusay na artista. Hangang-hanga naman si Kean Cipriano sa pagiging professional ng kaniyang leading lady sa pelikula at halatang-halata kung gaano ito kahusay sa kaniyang mga ginagawa. Maging sa blocking ay napakahusay umano ni Cherie na kinabiliban naman ni Kean. Inabot ng tatlong takes ang naturang kissing scene nina Kean Cipriano at Cherie Gil dahil kinailangan nilang ayusin ang blocking nila pareho.

No comments: