Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

BLIND ITEM: Young actress, pambihira ang kati


SWEET-SWEET-AN ang dating ng isang young actress, pero may itinatago itong 'kakatihan' pagdating sa mga lalaki.

Ewan kung anong gustong palabasin ni 'Itchy Young Actress' (IYA) at kahit meron siyang karelasyon ay nakikipag­harutan pa rin siya sa ibang mhin.

May isang young actor na naging ka-chorvahan si IYA, kahit pa ang alam ng mga nakakakilala sa kanya ay may boyfriend si IYA na medyo may konek din sa showbiz.

Ang drama ni IYA ay break na sila kuning ng kanyang nobyo kaya free siyang makipagkita at makipagharutan kay young actor. Dahil maganda, sexy at sariwa ay pinatos ni young actor si IYA.

Ang siste, ugali ni IYA na dumalaw sa condo ni young actor. At kapag sinusumpong siya ng kanyang 'itchiness' ay panay ang text at tawag niya kay young actor para magkita sila.

Kaya lang ay parang hindi nakukuntento sa isa si IYA. Habang kalandian niya si young actor ay nakipagmabutihan din siya sa isang male TV persona­lity na nakilala niya.

Dahil palay na ang lumalapit sa manok ay pinatulan din ni male TV personality ang kati-katerang si IYA.

Pumupunta rin si IYA sa bahay ni male TV personality at madalas din siyang mag-text dito kapag nakakaramdam siya ng some kind of 'itchy' feeling.

At minsan pa, sa da hayt ng kakatihan ni IYA, habang kasama niya si young actor ay tine-text niya si male TV persona­lity na magkita sila.

Ganu'n kalala ang 'itchiness' ni IYA.

Hanggang sa dumating ang panahon na nagka-girlfriend na si young actor. Siyempre, behaved na si young actor at itsapuwera na muna si IYA.

Pero text pa rin nang text ang hitad at panay pa rin ang paramdam kahit alam niyang may syota na si young actor.

Buti na lang at meron pa siyang reserba, si male TV personality. Kaya lang ay tila nakonsensya na rin si male TV personality sa 'secret affair' nila ni IYA.

Nagbitaw ng salita si male TV personality na kapag nakilala niya ang diumano'y boyfriend ni IYA ay lalayuan na niya ito.

Katwiran ni male TV personality, okey lang 'yung hindi niya kilala ang la­laki dahil hindi siya magi-guilty, pero once na makilala na niya ito ay ibang usapan na 'yon.

Kahit pa ang press release ni IYA ay nagkakalabuan sila ng kanyang boyfriend kaya walang dapat ika-guilty si male TV personality.

At dumating nga ang moment na 'yon na nagkakilala si male TV personality at ang nobyo ni IYA.

Hindi nag-away ang dalawa, pero nagdesisyon si male TV perso­nality na tapusin na ang ugnayan nila ni IYA.

Pero ang hitad na IYA ay may mga pagpaparamdam pa rin. Tila hinahanap-hanap pa rin nito ang mga lambingan nila ni male TV perso­nality, na kusa nang lumayo para umiwas sa gulo.

Kung magkukuwentuhan lang si young actor at si male TV personality ay tiyak na marami silang maisi-share na common experience tungkol kay young actress na may pambihirang 'kakatihan'.

At bukod pa 'yon sa iba pang mga taga-showbiz na balitang pinatulan din ni Itchy Young Actress, huh!

No comments: