Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

BLIND ITEM: Male singer, nanghahawak ng puwet!!


ISANG gay friend namin na ilang araw nagbakasyon sa Boracay ang source ng blind item natin ngayon.

Namataan niya at ng kanyang kasamang guy sa Bora ang ilang celebrities. Kaya kahit madalingaraw na ay naglilibot pa rin daw sila ng kanyang kaibigan para lang masilayan at magpakuha ng pictures sa mga nakakasalubong na celebrities.

Halos lahat naman daw ay magiliw silang pinagbigyan kapag nilalapitan nila para magpakuha ng souvenir photos. Pero ikinaloka ng source namin ang napansin niya sa sikat na male singer.

“Tuwing makasalubong namin `yan si ______ (male singer), eh, laging malagkit ang tingin niya sa kasama ko. Nu’ng una, kami ang nag-request na magpakuha ng picture with him. Pero nang muli namin siyang makasalubong, eh, siya na mismo ang humiling,“ sey ng source.

Dagdag kuwento pa niya, binanggit sa kanya ng kasama niya na sa dalawang beses nilang pagpapakuha ng picture with the male singer, lagi raw nitong hinahawakan ang kanyang puwet.

“Mukhang artistahin kasi ang kasama ko, kaya siguro nagkainteres siya. Pero kung nag-iisa lang siguro ang kasama ko, eh, baka, kinuha na rin niya ang contact number nito na kagaya ng ginawa raw niya sa isang guy na una niyang nakilala dito pa rin sa Boracay,“ kuwento pa rin ng gay friend namin, huh!

So, sa Bora pala paboritong mag-hunting ng mhin si Badiching Singer.

Da who? Isa siya sa mainstays ng once a week musical variety show ng isang kilalang istasyon.




c/o Balita Ngayon

No comments: