Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

BLIND ITEM: Female TV Host Pinagtatawanan,Dahil KINARMA!!!


Karma ang tawag ng isang beterano na sa showbiz sa nangyari noon sa isang kilala na ngayong TV host.

Karma dahil nagmaldita na raw ito sa kanila nang medyo nagkapangalan. Kaya nang magkaroon ito ng aksidente, hindi kinaawaan kundi pinagtawanan at ikinatuwa pa ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Actually maraming galit sa TV host na ito dahil nga grabeng mag-attitude. Parang ito na raw ang reyna kung kumilos kaya maraming naiinis at natutuwa kapag may nangyayaring hindi maganda.

Visible si TV host. ‘Yun nga lang iilan ang kaibigan dahil sa magaspang niyang ugali.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: