Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

BLIND ITEM: BIG BOSS NABIGO SA ISANG ACTOR!!!


FROM a reliable source sa isang TV network, nalaman naming very disappointed daw ang big boss nila sa lumabas na ratings ng show na kalalaunch lang recently.

Ipinagmamalaki pa naman daw ng kanilang istasyon ang bagong lipat na TV host/actor na main host ng naturang TV show. Super sikat kasi ang aktor noong nasa nasa kabilang istasyon pa ito at pati sa pelikula ay superstar na ang dating nito.

Kaya sobrang saya raw ni Big Boss nang makuha nila ang serbisyo ng TV host/actor. Inaasahan ng istasyon na makakatulong si TV Host/Actor para mapataas ang rating ng programa ng istasyon, pero nabigo sila.

In fairness, magaling na host si Aktor. At talaga namang pagdating sa karisma ay tinitilian siya at may sariling hukbo na rin naman ng mga tagahanga. Kaya malaki ang paniwala ng istasyon sa aktor at TV host.

Pero ang siste, nangulelat pa rin sa ratings ang bagong show niya. Ni kalahati ng ratings ng katapat na programa ay hindi nakuha ng kanyang bagong show. Nagsisisi na kaya ang big boss sa malaking halagang sangkot sa kontrata ni TV Host/Actor?

“Well, hanggang kibit-balikat lang ang reaksiyon niya, pero kitang-kita namin sa mukha niya na hindi siya happy sa nakuhang ratings ng show,“ sey pa ng source.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: