Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

BLIND ITEM: Balbong aktor, kursunadang chicks hinihipuan at kinukurot


USAP-USAPAN sa isang malaking network ang balbong aktor na hindi nagtuloy-tuloy ang pagsikat sa kabila ng kaguwapuhan nito at kahusayan sa pag-arte. Ang sabi ng ilang showbiz insiders, dyuts daw kasi ito kaya pinabayaan siya nang tuluyan ng mga bading na executive. Kumalat pa sa apat na sulok ng industriya ang pagigig dyutay nito kaya pati ang ibang baklitang manager ay hindi na rin siya kinalinga. Maging ang mga chicks na nagiging karelasyon nito ay nangangawala din sa kanyang piling. Ang saklap!

Pero may ugali palang hindi maganda ang aktor na itetch. Kapag kursunada raw nito ang isang babae ay dinadaan nito sa paglalambing-lambing na may kasamang pangungurot at kung hindi pumalag ay hihimasin pa at ang finale ay idideretso sa kanyang caru.

Karamihan sa chicks ay hindi na umano nagrereklamo, lalo na ang mga humahanga sa aktor dahil mala-adonis naman talaga ang kagwapingan nito. Kumbaga, hindi sila lugi kahit manyakin sila. Ewan na lang natin kung ano ang nararamdaman nila sa bandang huli kapag natusok na sila ng kapiranggot lang daw na kargada nito.

Anyway, kapag hindi naghinay-hinay ang balbonic actor, baka pumalag ang isang starlet na kapangalan ng isang dating sikat na Japanese/Filipina swimmer noong late 80s. Ito raw kasi ang kasalukuyang kinukulit ng aktor na itetch. Palibhasa magkasama sila sa isang serye at hindi naman gaanong sikat pa ang girlita kaya binabalewala lang nito ang madalas na pagtabi, pagkurot at paghimas sa kanya nang nanggigigil na dating sikat na aktor.

No comments: