Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

BLIND ITEM: Actor Pinagtaklisan Nang GF Niyang Actress!!!


PINAGKUKUWENTUHAN ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang tungkol sa kilalang aktres na nagbakasyon sa isang beach resort noong Undas na hindi kasama ang boyfriend na aktor dahil nasa ibang bansa ito para sa series of shows.

Nagbakasyon lang daw ang aktres dahil gusto nitong mapagisa at makapag-isip-isip sa rami ng isyung kinasasangkutan niya.

Pero nagulat ang ibang nakakita dahil naroon din ang sikat na aktor na may reality show ngayon at nag-iisa rin. Walang karelasyon ngayon ang sikat na aktor.

Minsan nang na-link sa isa’t isa ang kilalang aktres at sikat na aktor nang nakita sila sa isang bar na naghahalikan at `tila pareho na raw nakainom. Nang mga panahong iyon ay parehong may karelasyon ang dalawa kaya naloka ang mga nakaalam.

Ngayon, wala nang karelasyon ang sikat na aktor bagamat may idinedate siya samantalang ang aktres ay hindi pa rin nagpapalit ng boyfriend.

Nagkataon lang ba na parehong nasa beach resort si Aktres at si Sikat Na Aktor o may usapang magkikita pero magkahiwalay ng kuwarto? In fairness, ayon sa mga nakakita ay tahimik naman ang lugar at dedma naman ang lahat kung sinu-sino ang mga naroon.

Minalas lang sina Sikat Na Aktor at Aktres dahil may naligaw pa ring konektado sa showbiz kaya sila ngayon ang talk of the town.

Sabi nga ng common friend namin, “Sana mauntog na si _____ (boyfriend ng aktres).“ At ang sagot namin, mukhang malabo dahil super in love siya kay ____ (aktres).
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: