Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

BEA BINENE hinamon ng away si BARBIE FORTEZA?

HINDI na sana namin papansinin ang sinasabing bangayan kuno nina Barbie Forteza at Bea Binene kung hindi sa isang kuwentong nakarating sa amin.

Ayon sa ating mapagkakatiwalaang source, si Bea raw mismo ang nagpapala ng away sa pagitan nila ni Barbie.

Hala! Naloka talaga kami kapatid na Ervin dahil noong huli naming makausap si Barbie sa presscon ng bagong fantaserye ng GMA, ang Paroa, e, nagbigay pa ito ng moral support kay Bea pagkatapos itong idemanda ni Atty. Ferdie Topacio.

Isang insidente ang nasaksihan mismo ng aming source sa tila paghahamon ni Bea kay Barbie.

Sa Party Pilipinas daw ito naganap kung saan inirapan, binigyan ng masamang tingin ni Bea si Barbie na tila naghahamon.

“Tumungo na lang si Barbie at dumedma pero ramdam niya ang ngitngit ni Bea,” sey ng kausap naming talagang nanibago sa inaasal ngayon ng bida ng seryeng Cielo de Angelina kung saan bait-baitan naman ang role ng tween star. May mga tweets pa umano si Bea na nagpaparatang ng may gumagamit sa kanya at nagsasabing may naghahamon ng away kaya’t siya’y tantanan na at huwag mag-promote ng show na isinasali ang mga taong hindi naman kasali.

Naku, kapatid na Ervin, sa dami ng naririnig naming mga ganitong tsika, e, ayaw naming isiping naggagamitan lang ang dalawang bagets para sa kani-kanilang programa sa GMA 7.

Kung alam lang nila na may isang taong tuwang-tuwa sa kanilang bangatyan, tiyak na mawiwindang sila kaya’t dapat na silang manahimik at mag-concentrate na lang sa kani-kanilang shows.

No comments: