Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

BEA ALONZO Gaganap Na GRACE POE Sa MMK!!!


Wala nang maka­pipigil sa pagpasok ni former MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares sa mundo ng pulitika dahil tuloy na tuloy ang pagkandidato niya bilang senador sa 2013 elections.


Napatunayan ni Grace ang kanyang husay nang ­i-appoint siya ni PNoy bilang MTRCB Chair. Kahit wala pa siyang karanasan sa pulitika, si Grace ang isa sa pi­nakamalinis na senatoriable dahil sa kanyang track record.


Isa sa mga advocacy ni Grace ang mga adopted children dahil nakaka-relate siya sa kanilang kalagayan.

Grade school student si Grace nang malaman nito na ampon siya at hindi niya mga tunay na magulang sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces, ang mga King and Queen ng Philippine Movies.


Napag-usapan ang pagiging adopted ni Grace dahil sa balita na gagawin ng Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story. Kung si Grace ang masusunod, si Bea Alonzo ang gusto niya na magbigay-buhay sa kanyang karakter. Nagustuhan ni Grace si Bea nang mapanood niya ang The Mistress.


Kung sakaling matuloy ang ­plano na i-feature sa MMK ang kanyang life story, ang advocacy on adoption ang magiging highlight ng kuwento.

"'Yung highlight si­yempre, is 'yung advocacy on adoption. Kasi..parang..bakit ka itinutu­ring na isang anak? Anong ibig sabihin n'on?

Anong stigma n'on noong lumalaki ako? Maraming mga tao na nagmamaliit sa mga katulad namin pero makikita mo naman na ang mga katulad namin, nais na­ming patunayan sa sarili namin na mahal namin at may utang na loob kami sa aming mga magulang kaya nga siguro, 'yon ang ­aking frustration kasi parang, noong sinabi nila si FPJ, walang alam. Sabi pa nga nila, he's just a mere actor.


"Ang sakit sa akin n'on. Kasi I know if he had the oppor­tunity, he would have been a brilliant student. But even on his own, he was able to support his business and employ and help so many people.

'Yun lang, wala siyang titulo ng diploma pero edukado siyang tao at nakapagpalaki naman siya ng napakarami. Hindi lang ako, marami siyang natulungan."


Nalaman ni Grace sa murang edad ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao dahil sa isang kaklase niya sa grade school.


"I was very young. Siguro, I was like Grade 1 or Grade 2. Basta. I remember, I have a classmate who was upset with me so she basically used it as an insult na parang ampon ka lang.Parang ­meron ka lang.


"Hanggang ngayon, may mga ganoon, di ba? Pero at least, ngayon, meron nang awareness na it's actually a noble thing to be able to raise a child that's not biologically yours but then, to teach the child to grow up to be responsible and decent.

That's why I really believe, early childhood is very important and affording the child the opportunity to grow to be responsible adults.


"I owe it to my parents to be able to advocate that. Na parang hindi naman kami menos dahil 'yan ang komposisyon ng aming pamilya."


Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Grace na makilala ang biological parents pero may isang pagkakataon na hinanap ng adoptive parents niya ang kanyang mga tunay na magulang.

"There was a time, to formalize the adoption, they had to publish in several papers kung they found this child, ganito, ganyan. May mga lumapit na fake. Alam mo naman yon, fake.


"You just have to investigate further and 'yun pala, they're just interested in.. some sort of compensation. So, wala talaga. I'm grateful for the fact that at least they chose life," ang kuwento ni Grace.


Aware si Grace sa urban legend na diumano, anak siya ng sumakabilang-buhay na pangulo ng Pilipinas, si former President Ferdinand Marcos. Natawa si Grace nang ibahagi nito sa press ang isang kuwento tungkol sa urban legend na binigyan niya ng closure.


"Alam mo si Girlie Rodis, nagsulat ng article, Sabi ni Girlie, "Grace submit naman to me the top 10 books that you like. So ako naman excited.


"Oh my God, bigla ba naman, di ba may mga nakalagay doon (sa comments section), Oh yes Grace Poe is really a book lover and well read just like her biological father who is a former president.


"Parang sabi ko, Diyos ko, ano ba naman ito? Kung tinanggal 'yung biological, maiisip ko pa, baka si FPJ who was a president dahil may mga isyu na siya naman talaga ang nanalo.


"So sabi ko, whatever kaya nga kapag nakikita ko si Bongbong Marcos, nagha-hi ako. Kaya nga kapag sinasabi nila, ano ang masasabi mo, in-adopt ka ng Liberal Party, in-adopt ka rin ng UNA? Sabi ko, istorya ng buhay ko. Masuwerte ako…"




c/o ABANTE

No comments: