Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 12, 2012

BARON GEISLER Umamin Na May SAKIT na BIPOLAR!!!


PAGKATAPOS na masangkot sa panibagong kontrobersiya nitong nakalipas na weekend, inamin ng aktor na si Baron Geisler sa panayam sa telebisyon kagabi ang pagkakaroon niya ng bipolar disorder.

Ang bipolar disorder ay isang kondisyon (disorder) kung saan ang isang tao ay nakararanas ng malalang depresyon at mood swings.

“Indenial ako na I have bipolar o may chemical imbalance. Hindi ko matanggap sa sarili ko na mayroon akong problema. Iisipin nila ah, mental case ‘yan. Huwag na nating pagkatiwalaan yan baka biglang mag-snap,” paliwanag g aktor.

Pagbubunyag pa ng aktor na apat na taon niyang itinago sa lahat ang kanyang kondisyon.

Humingi rin ng pang-unawa ang aktor sa publiko at sinabing huwag sanang agad-agad siyang husgahan.

Nitong nakalipas na Biyernes ay nakalaboso si Baron nang manggulo at manapak umano ng kapitbahay sa Marlboro Street, East Fairview, Quezon City.

Sabado nang makalabas ng piitan si Baron matapos makipag-ayos at iurong ng complainant ang reklamo laban sa kanya.

No comments: