Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

BARBIE FORTEZA Nag Paka Totoo Lang Sa Pag Sasabing Hindi Sila Mag Kaibigan Ni BEA BINENE!!!


HONEST naman si Barbie Forteza sa sinasabi niyang hindi sila close friends ni Bea Binene. Hindi rin sila enemies. Basta okey lang sila, parating sinasabi ni Barbie sa mga pilit na nang-iintriga sa kanila ni Bea.

Magkasama pa lang sila noon sa defunct youth-oriented show, “Reel Love Presents: Tweenhearts“ ay iniintriga na sina Barbie at Bea. Noon pa man ay “pinagsasabong“ na ang dalawang Kapuso Tween stars. Na kesyo, career-wise, sila ang magiging mahigpit na magkaribal.

As much as possible, ayaw magpaapekto ni Barbie sa pang-iintriga sa kanila ni Bea. “I do my own thing,“ ani Barbie. “Basta ako, focused lang sa work. Masaya ako sa trabahong ibinibigay sa akin ng GMA. Sobrang thankful ako,“ anang lead star ng “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.“

Si Derrick Monasterio ang ka-love team ni Barbie at thankful silang tanggap ng fans ang kanilang tambalan. Meron nang Derbie (Derrick-Barbie) fans at may fan base na sila sa Facebook at Twitter. Ani Barbie, hindi kailangang i-pressure sila ni Derrick na magligawan in real life para lang maplease ang kanilang fans. Ratings-wise, happy sila sa “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa“ na napapanood weeknights bago mag-“24 Oras“ sa GMA-7.

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

True. Yan ang gusto ko kay Barbie Forteza eh. Walang pagpapanggap.