Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 4, 2012

BARBIE FORTEZA Ginagamit Si BEA BINENE??!!


INIIWASAN na sana ni Barbie Forteza na pag-usapan ang tungkol sa isyu nila ni Bea Binene.


Ang focus ni Barbie ay ang promo ng bagong telefantasya nila ni Derrick Monasterio na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.


Ayaw niyang pagbintangan siyang ginagamit si Bea para may mapag-usapan sa pagpo-promote.
Nilinaw muli ni Barbie na wala silang away ni Bea.


Bihira lang daw siya sa Party Pilipinas kaya wala raw pagkakataong magkasama sila at magdedmahan.


Hindi sila ganu’n ka-close bilang magkaibigan, pero wala raw silang dapat pag-awayan kaya sana, tigilan na raw ang pang-iintriga sa kanila ni Bea na itinuturing na mahigpit niyang katapat.


Magsisimula na nga­yong hapon ang Paroa, ang Kuwento ni Mariposa bago mag-24 Oras.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: