Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 4, 2012

BARBIE FORTEZA Binigyang Nang ACTING COACH Nang GMA Network!!!


BINIGYAN ng acting coach si Barbie Forteza bago siya nagsimulang mag-taping ng bago niyang pre-primetime TV series na Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.

“Nag-acting workshop po muna kami nina Derrick (Monasterio), Joyce (Ching), Miguel (Tanfelix), Bianca (Umali), Rita (de Guzman), Ren (Escano),“ kuwento ni Barbie. “At binigyan po nila ako ng acting coach kasi ibang-iba ang character ko bilang si Mariposa, total opposite ng character ko na para akong astig. As Mariposa, kailangan pong demure, poised, dahan-dahan ang kilos, kaso hindi nga po ako ganoon kahinhin off-camera, kaya kailangang ituro sa akin kung paano ko i-portray ang role ko. Medyo mahirap po sa simula, pero nasasanay na rin ako, through the guidance of Direk Mark (Reyes). Supportive din po ang mga kasama ko sa cast at si Tita Agot (Isidro) na siyang nagpalaki sa akin sa story.“

Kumusta ang muli nilang pagtatambal ni Derrick?

“Mas okey po kami sa set, naging comfortable na po rin kami dahil nagkasama na kami sa second episode ng Luna Blanca,“ sagot ni Barbie. “Maalaga po sa set si Derrick, siya ang nangungulit sa amin, lalo na kung inaabot na kami ng early morning sa taping. Sweet, joyful, gentleman si Derrick, kaya wala pong hassles sa set.“

Hindi namin naiwasang itanong ang tungkol sa una niyang ka-love team, si Joshua Dionsio, natuloy ba itong lumipat ng network tulad ng nabalita?

“Matagal na rin po nang huli kaming magkita at magkausap nang mag-guest kami sa Many Manny Prizes. Hindi naman po siya lumipat, narito pa rin siya sa GMA Network, kaya lamang gusto raw muna niyang tapusin ang kanyang fourth year high school, ayaw niya kasi ng home study. Nami-miss na rin siya ng fans namin, at siguro after graduation sa March, muli na siyang babalik.“

Tuloy din ang kanyang home studies, third year high school na siya.

“Kapag may time po ako sa house, doon ko na ginagawa ang assignments ko, pero kapag may taping, dinadala ko sa set ang modules ko at nagkakaroon ako ng diagnostic tests kapag natapos ko ang assignments at nai-submit ko na sa teachers ko. Gusto ko rin pong makatapos ng studies ko, kahit medyo mahirap dahil may work ako. Siguro po, time management lang para matupad ang mga pangarap ko.“

Mamaya na ang pilot episode ng Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa bago mag-24 Oras. May guest roles din si Barbie sa dalawang filmfest entry ng GMA Films, ang Sosy Problems with Kristoffer Martin at ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: