Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, November 7, 2012

ANNE CURTIS Nakakatulong Sa Mga KABATAAN!!!


Ipinagmalaki ni Anne Curtis na bukod sa pag-arte, pagsayaw, at pagkanta ay may bago na naman siyang kaalaman, ang “bartending” at “mixology” na na-pick up niya sa pagiging endorser ng GSM Blue. Kung magkakaroon nga lang ng local version ang Hollywood hit movie na Coyote Ugly, na tungkol sa mga seksing bartender, pasok na pasok si Anne bilang bida.

Sinabi ni Anne na pinabilib siya ng mga Hotel and Restaurant Management (HRM) students na sumasali sa GSM Blueniversity at Flair Idol kada taon.

“I have been attending the mixology and flairtending event as a guest for so long and I once asked myself ‘bakit hindi?’ So sinubukan ko at na-realize ko na enjoy s’ya. I learned to mix drinks on my own because it is so simple and easy. Flairtending naman is also very interesting and sexy too, especially if you are a woman,” wika ni Anne na may bagong TVC ng GSM Blue.

“Nakita ko mismo ang success ng isa sa mga contestant na nagtatrabaho na ngayon sa Waterfront Cebu. I was there for my Annebisyosa tour and he came up to me and said, ‘Ma’am Anne, naalala ninyo po ba ako? Isa ako sa mga finalists ng GSM Blueniversity.’ I thought that was amazing,” kuwento ng dalaga.

Ayon kay Anne, malaking tulong ang GSM Blueniversity para madagdagan ang kaalaman ng HRM students sa mixology at flairtending. At dahil dito, mas lalakas pa ang tsansa nilang makakuha ng magandang trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa.

“Malaki na ang naitulong ni Anne sa GSM Blue, hindi lamang sa pag-endorse ng brand kundi pati na rin sa mga programa namin gaya ng GSM Blueniversity na tumutulong sa mga kabataan na ma-improve ang skills nila,” wika ni GSM Blue brand manager Lori Infante.

Ang GSM Blue, na bagay na bagay sa mixed drinks ay gawa sa 65 proof sugar cane alcohol na may kasamang juniper berries.

Ang GSM Blueniversity ay nakatakda ring gawin sa Pacita Astrodome (Nov. 20), Olongapo Convention (Nov. 21), Victory Central Mall (Nov. 23), The Avenue Plaza Hotel (Nov. 25), Duad Gymnasium (Dec. 4), Grand Theater, PAGCOR Parañaque (Dec. 6) at Cuneta Astrodome (Dec. 7).

Naisagawa na rin ito sa PAGCOR, Balibago Angeles; Bataan People’s Center; Isabela State University; Davao Doctor’s College; Bulacan Capitol Gym; Wesleyan University Gym; Teatro Marikina; Queen Margarette Hotel; Amoranto Complex; Maritime Institute; Eastern Visayas State University; Zamboanga Convention; WVSU Cultural Center; Asian College Technology; Negros Oriental State University; BCU; Mauway Gym; One Esplanade at Gaisano City Mall.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: