Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

ANGELICA PANGANIBAN... Nagtrabaho Nang LASING!!!


Wala si Angelica Panganiban sa presscon ng indie movie niyang Madaling Araw Mahabang Gabi na showing ngayon sa piling mga sinehan. Nasa Japan ito at doon nag-celebrate ng kanyang birthday last Nov. 4. Pinayagan siya ni Direk Dante Garcia na wala sa presscon dahil last year hindi nakapag-celebrate ng birthday ang aktres. Nag-shooting kasi nang nabanggit na pelikula sa Palawan.

Hindi tuloy naitanong kay Angelica kung totoo ang tsikang nilasing siya nang totohanan bago kunan ang mga eksenang senglot siya para natural ang kanyang acting. Sa napanood naming trailer ng movie, para ngang totoong lasing ang girlfriend ni John Lloyd Cruz at magaling na naman sa mga eksena niya.

Kakaiba ang presscon ng movie na launching din ng Trio, Panoramanila Pictures, at Glad TV (nasa ilalim nito ang nagbabalik sa ere na Ipaglaban Mo, mapapanood starting Nov. 10, 2:30 p.m. sa GMA News TV). Nag-inuman ang guests para raw mas ma-feel ang pelikula.

Aabot sa 20 ang cast ng movie na ang theme song na Barcelona ay sinulat ni Angelica at kinanta ni Glaiza de Castro. Sama-sama rin dito ang mga artista ng ABS-CBN, TV5, at GMA 7, walang talent fee, at si Direk Dante lang ang nakakagawa nito.

Nabigyan ng R-16 ratings ang movie at wish ng direktor na panoorin ito at suportahan. Pero kumita man o hindi, tuloy na ang sequel na si Angelica pa ang producer. Ang title ng sequel ay Tanghaling Tapat Hatinggabing Sinungaling. Sa Manila at Vietnam ang shooting. Hindi namin naitanong kay Direk Dante kung the same cast ang kukunin niya sa Madaling Araw Mahabang Gabi.

Nakita namin si Rocco sa nasabing presscon ng Madaling Araw Mahabang Gabi dahil isa siya sa maraming cast ng pelikula. Agad namin itong ti­na­nong kung totoo ang nasagap naming balitang break na sila ni Sheena Halili?

Pinansin din namin na tila nagdededmahan na sila sa Twitter na dati ay hindi man sweet, mararamdamang special naman ang bawat isa sa kanila. Ngayon, parang ’di na sila friends.

Tawa ang reaction ni Rocco. Hindi raw siya kundi kami ang nagsabi noon saka sumagot ng “hindi” na malabo para sa amin. Kasunod ay lumayo na sa amin ang aktor. Hindi namin nabiro kung may kinalaman si Lovi Poe na leading lady niya sa Yesterday’s Bride sa tsikang breakup nila ni Sheena.


Tinanong namin ang isang kasama ni Rocco sa hiwalayan issue, hindi rin kami sinagot. Wala raw namang inaming relasyon ang dalawa kaya wala silang aamining breakup. Naintriga lang kami sa sinabi nitong sa showbiz: Mahirap pagsabayin ang career at love life.

No comments: