Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

ANGELICA PANGANIBAN... Hindi Na Nga TUMANGGAP NANG TALENT FEE NAG ABONO PA SA INDI FILM NA GINAWA NIYA!!!

Talagang maituturing ni Angelica Panganiban na isang labor of love ang ginawa niyang indie film na Madaling Araw, Mahabang Gabi na idinirek ng kanyang kaibigang si Dante “Nico” Garcia at magsisimulang mapanood ngayong araw, eksklusibo, sa mga sinehan ng SM.

Hindi lamang naman ang Kapamilya actress ang nagbigay ng kanyang libreng serbisyo sa pelikula kundi maging ang co-stars niya. Kuwento ni Direk Ga, wala na nga raw talent fee si Angelica pero nagawa pa rin nitong pamasahihan ang 10 miyembro ng cast para lang makapunta sa lokasyon ng shoo­ting nila sa Puerto Princesa. Ang bahagi ng kikitain ng pelikula ay itutulong para mai-promote ang magiging entry ng bansa sa nalalapit na Oscars.

Layunin din ni Direk Ga na siya ring tumatayong prodyuser ng Madaling Araw Mahabang Gabi na makapagpatayo ng isang village for aging artists.



JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: