Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 13, 2012

ANGELICA PANGANIBAN Binasag Na Ang Kanyang Katahimikan!!! Pasabog Laban Kay DEREK RAMSAY Binulgar Na!!!


Nagulantang na naman ang Twitter world dahil kahapon, Martes, biglang nag-tweet si Ange­lica Panganiban na puwede siyang tanungin ng mga followers ng kahit ano at sasagutin daw niya.


Narito ang eksaktong tweet ni Angelica: "Pwede nyo itanong sakin kahit ano.. Sasagutin ko. :) pagod na pagod na kong manahimik!!!! Game:)
Wala kaming idea kung bakit biglang naisipan ni Angelica na basagin ang katahimikan niya sa Twitter at sumagot nga ng ilang tanong sa ­obviously, matagal nang gustong malaman ng publiko mula sa kanya.


Sinunod din niya ang tweet na: "Magpapa-schedule sana ko ng interview kay Tito Boy. Kaso nilalagnat ako. At baka busy sya. So kayo na lang mag-interview sakin."


Ilan sa mga tanong na sinagot ni Angelica ay halos tungkol sa naging break-up nila ni Derek Ramsay. Isa sa mga tweet na tanong kay Angelica ay kung ano raw ang real reason ng break-up nila ni De­rek at sinagot niya ito nang, "napagod na kong magtiis".


Sa tanong naman kung totoo raw bang kasal na si ­Derek at 'yun ang totoong dahilan ng hiwalayan nila, sinabi ni ­Angelica na, "Pang-The Buzz to. Sa Sunday na 'yan!"


Gayundin sa tanong kung nagkaroon daw ba ng ibang girls si Derek habang sila pa.


"Never" naman ang sagot ni Angelica sa tanong kung si John Lloyd Cruz daw ba ang dahilan kung bakit sila nag-break.


At "never," at "wala, ayoko," rin sa tanong kung nagkaroon na ba sila ng komunikasyon ni Derek pagka­tapos nilang mag-break.


Ni-RT (retweet) na lang ni Angelica ang tanong ni @princess_maan: What's the real reason why you and Derek broke up? I've seen your favorite tweets before, about cheating. Hindi nagbigay ng sagot si Angelica bagkus ay ni-RT lang na puwedeng maging kahulugan na para na rin niyang sinang-ayunan ang tanong?


Wala rin daw regret si Angelica na nag-break sila ni Derek na may mahi­git limang taon din yata ang itinagal ng relasyon nila.


Sinabi rin ni Angelica na, "nagulat na lang ako nasa 5 na siya," nang may magtanong kung pangit daw ba ang break-up nila kaya lumipat ang actor sa Kapatid network.


Sa tanong naman na binati raw siya ni Derek sa Twitter noong birthday niya at bakit hindi siya nag-tweetback, sinagot ito ni Angelica nang, "Sa sincere lang ako sumasagot. Hindi sa plastic."


Sinagot din ni Angelica ang tanong ng isang twitter follower niya kung ano ang pagkukulang niya sa relasyon nila noon ni Derek nang, "Respeto sa sarili."


Isang maikling "yup," din ang tugon ni Angelica sa tanong na ayaw raw ni Derek sa mga friends niyang gay.


Mukhang hindi na nga mapipigilan at magkakaroon ng interview si Angelica sa The Buzz sa Linggo at mukhang ang magiging topic ay ang nabalita na noon na diumano'y previous marriage ni Derek.


Basta tungkol sa kasal, sinasagot ito ni Angelica nang, "I-save natin 'yan sa Sunday."


Patanong din ang naging sagot ni Angelica sa tanong na, 'di ba may ex wife sya.. Naging issue ba talaga 'yun sa nyo?


Sey ni Angelica, "EX?"


At kung sakali raw ba na ma-annulled ang kasal ni Derek at makipagbalikan siya, papayag daw ba siya, isang, "Haha! Hindi," ang naging sagot ni Angelica.


Read between the lines na lang din sa naging sagot niya na, "6th party," sa tanong kung third party raw ang dahilan kaya sila nag-break.


Sigurado naman na lalong magkakaisyu sa maikling sagot ni Angelica sa tanong ni @Nunca Valderama, Is it true your x had a one night stand with someone close to you? Please ­enlighten me!
Ang reply ni Angelica rito ay, "hahaha! 'Yun na."


Sa tweet naman na, is it real that Derek is treating you like alalay, taga-prepare of all his stuff? Sinagot niya nang, "Ok naman 'yun dati."


"11 yrs," na raw sila ni John Lloyd nang may magtanong kung gaano na sila katagal na sa palagay namin ay biro nito o kung may iba siyang ibig sabihin dito.


Sinagot din ni Angelica ang tanong ni @iamcuteithink na totoo ba na nahuli mo na may gamit na condom sa trash can ni Derek one time na nagpunta ka sa hse nya?


Tweet reply ni Angelica, shux... SPG na yan. Ayaw ng mtrcb :) sanay na ko sa mga nakikita ko dati:)
Nag-"No comment," naman si Angelica sa tanong if it's true ur x said ­nasty things to ur mum?


At ilan din sa naging tweet ni Angelica ay, "Halos mamatay na ko kakatrabaho.. Dudumihan nyo lang pangalan ko?"


At tila expected na rin niya na marami ang pi-pick-up ng mga tweets niya at inu­nahan na nga niya ito sa pagsasabi nang, "Pupusta ko ang nakalagay sa headline sakin "angelica, d maka-move on" or "angelica, bitter" naks! #sanabukas haha!"


Mukhang sa isang blind-item ang isa sa dahilan kung bakit biglang nag-open-up o naisipan ni Angelica na sagutin ang tanong ng ilang Twitter followers niya. Pero sinabi rin ni Angelica na iniiwasan na rin daw niyang magbasa ng mga tabloids.


Sinabi rin niyang "never at disenteng tao," si Shaina Magdayao sa tanong na diumano'y nagpang-abot daw sila.


Masipag sumagot si Angelica ng mga tanong ng ilan sa mahigit 2 million followers niya at habang isinusulat nga namin ay hindi pa rin halos tapos mag-reply sa mga tweet si Angelica.


Isa sa huling tweet niya ay, "Ayuuuun.... Nagsumbong na... Sumasagot lang naman ako ng mga tanong nyo, diba? Lahat naman ng ito may warning noon pa :) ayaw nyong tumigil."
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: