Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

ANGELICA PANGANIBAN at JOHN LLOYD CRUZ Hindi Na Ulit Magsasama Sa Anumang Proyekto!!!


After “ 24/7 In Love,” napag-desisyunan nina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na hindi na sila magsasamang muli sa isang project, either sa TV or pelikula.

Nang gawin nila ang naturang movie sa Star Cinema, wala pa silang relasyon noon. Sa Vietnam sila nag-shoot at doon lang sila naging magkaibigan, hanggang nagkadebelopan at nagkaibigan.

Naikuwento ni Angelica kay JLC ang mga bagay-bagay sa buhay niya at naging good listener naman ang aktor.Ni hindi nila na-imagine na magkakaroon ng kakaibang tibok ang mga puso nila sa mga pag-uusap nila noong nasa Vietnam sila.

Mahiwaga talaga ang pag-ibig!

Pagbalik nila sa Pilipinas, ‘yun na! May mga tsika na tungkol kina JLC at Angelica. Ayon sa isang close friend ng aktres, pati pamilya ni Angelica ay niligawan ni JLC.

Sabi ng aktor, masayang-masaya siya ngayon sa magagandang nangyayari both sa kanyang career
at lovelife.

“Too good to be true. Lahat maganda at tine-treasure ko lahat ng meron kami ngayon,”words to that effect na saad ni JLC.

No comments: