Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

ANGEL LOCSIN Gustong Makatrabaho Si ATE VI at ATE GUY!!!


NAMI-MISS na ni Angel Locsin ang mag-soap, nagkaroon kasi ng problema sa magiging leading man dapat niya sa gagawing serye na lumipat na ng TV5.

“Actually, hindi rin naman kasalanan ni Derek (Ramsay) `yun,“ kuwento ng aktres nang interbyuhin namin sa taping ng Toda Max. “Kasi hindi pa rin naman binanggit sa kanya, `yun pa lang ang plano noon, eh, `tapos naiba na, nauna ko nang gawin `yung Unofficially Yours namin ni Lloydie (John Lloyd Cruz).

“Naurong nang naurong `yung serye, hindi ko naman puwedeng pagsabayin ang serye, Toda Max at pelikula (One More Try) namin ngayon. Sana lang umabot kasi sobrang busy ng mga kasama ko sa pelikula.“

Kasama sina Angelica Panganiban, Dingdong Dantes, at Zanjoe Marudo, isa ang One More Try sa entries ng Star Cinema sa 2012 Metro Manila Film Festival Kaya makakalaban ni Angel si Ms Nora Aunor sa best actress category sa MMFF.

“Ibigay na natin kay Ate Guy `yun. At saka ano ba naman ang laban ko?“ May katotong nagsabi ng, “Eh, baka hindi naman makasigaw si Ate Guy, dadaanin na naman sa bulong.“

“Ha?“ nagulat na reaksiyon ng dalaga. “Baka ganu’n ang hinihingi ng istorya, kayo naman.

“Hindi ko pa nakatrabaho si Ate Guy, pero ang alam ko, napakagaling niyang artista at gusto ko siyang makatrabaho. Sino ba naman di gustong makasama ang hindi siya at mapasama sa resume mo na, `uy nakatrabaho ko ang ang Star for All Seasons o Superstar ng bayan, `di ba?“

Ipinagtanggol din ni Angel si Ate Guy sa intriga na super late raw ito sa a set kapag may shooting.

“I don’t think so. Wala naman sigurong producer na mag-e-entertain sa kanya ng ganu’n. Hindi .
totoo `yun.“
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: