Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

ANDI EIGENMANN boyfriend pa si JAKE EJERCITO nang magpabuntis kay ALBIE CASINO



KAHAPON nabasa ninyo ang mga naging pahayag ng kaibigan nating dating aktres na si Laarni Enriquez tungkol sa mga naging statement ni Jaclyn Jose laban sa kanilang pamilya.

Ito’y may kinalaman pa rin sa naging relasyon nina Jake Ejercito (anak nina Laarni at dating Pangulong Erap) at Andi Eigenmann na anak naman nina kafatid na Jaclyn at Mark Gil.

Nauna nang pinabulaanan ni Laarni na hindi nila gusto si Andi para kay Jake dahil dalagang ina ito, wala raw itong katotohanan.

Sa katunayan, naging mabuti raw ang pakikitungo nila kay Andi kahit noong buntis pa ito.

Nagbigay ng ilang insidente si Laarni kung saan pinatunayan niya na hindi totoong ayaw nila kay Andi.At narito ang karagdagang pagpapatotoo niya rito.

“Nang maospital si Andi, pumunta kami.

Nakasalubong ko si Jake na humahangos at sobrang worried kay Andi.

Tinanong ko siya kung ano ang dala niya for Andi dahil dadalaw daw siya.

Ang sabi niya, wala raw.

“Sabi ko, dalhan niya ng flowers.

Kinapa ni Jake ang bulsa niya sa likod at sinabi sa aking naiwan niya ang wallet niya kaya binigyan ko siya ng pera para bilhan ng flowers si Andi.

Iyon ba ay senyales na ayoko sa anak niya (Jaclyn)?

“Kaya sana, pag nagkuwento siya, ‘yung tama lang.

Wala nang halong kasinungalingan, walang tamang-duda.

Naisip ba ni Jaclyn na masakit din para sa akin bilang ina na makita ang anak kong depressed dahil sa lovelife niya with Andi?” kuwento pa ng dating aktres.

Ibinuking na ni Laarni Enriquez, hindi na nakatiis

Ganito kasi iyon, nauna kasing naging boyfriend ni Andi si Albie Casino.

Then, nagkahiwalay sila. Doon pumasok si Jake at na-in love.

Huli ko na nga nalamang mag-boyfriend na pala sila ni Jake.

“Then, nag-LQ (lovers quarrel) sila at bumalik na si Jake sa London kasi doon nga nag-aaral.

Pero hindi sila nag-break.

Mantakin mo ba namang nakipagbalikan pala si Andi kay Albie at sinabihan daw siya ni Albie na, ‘Kung mahal mo talaga ako patunayan mo!’ Ayun na nga, nabuntis si Andi.

Masakit sa akin dahil sobrang nasaktan ang anak ko.

“Kasi nga, mag-on pa sila ng anak ko nang makipagbalikan siya kay Albie at nagpabuntis.

Pero ano? My son still stood by her. Doon na ako pumasok sa eksena. Kasi one time, umaga na wala pa si Jake.

Ang ginawa ko, tinawagan ko si Jake para alamin sana kung nasaan siya.

Pero hindi ako sinasagot sa phone.

Kaya sumugod ako sa bahay nina Jaclyn.

Matagal bago niya ako pinagbuksan ng pinto pero okay lang, worried kasi ako sa anak ko.

Then pinapasok niya ako. Hinanap ko sina Jake and Andi.

Wala raw si Andi at naglalakad-lakad daw sa labas ng bahay nila.

“Tinawagan ko si Jake and finally nakapag-usap kami.

Ang sabi ni Jake, inumaga raw sila sa party kaya hinatid lang daw niya si Andi.

Kaya I instructed him to proceed to Andi’s house para mag-usap-usap kami.

Ayaw pa nga ni Jake nu’ng una dahil either natatakot siya sa maaari kong gawin sa kanya or baka nahihiya sa pamilya ni Andi.

“Hindi ako pumayag, talagang galit akong inutusan siyang bumalik sa bahay nina Andi.

Nang dumating na siya, talagang tinalakan ko.

Sabi ko, ‘Eto ba talaga ang gusto mo? Puwes, dito ka tumira kina Andi.

Huwag ka nang umuwi ng bahay. Dito ka na tumira.

’ Sinabihan ko si Jake sa harap nila na huwag muna sana siyang pumasok sa eksena ng buhay nina Andi and Albie.

Kasi nga, there were attempts na pag-ayusin yata sila ng pamilya ni Albie.

“Sabi, paano sila magkakaayos kung nandiyan ka? Tama lang naman, di ba?

Kaya malakas ang loob ni Andi dahil meron ngang Jake na nasa tabi niya palagi.

Doon ako nagagalit dahil ang nasa puso’t isip ko lang ay ang damdamin ng anak nina Andi at Albie, na iba rin ‘yung may kinikilalang ama ang bata.

At sinabi ko straight kay Jaclyn, ‘From now on, dito na titira si Jake at ikaw na ang bahalang magbayad ng tuition niya sa London.

Tutal iyon naman yata ang gusto ninyo.’

“Nag-dialogue si Jaclyn na wala silang pera para pambayad sa mahal na tuition ni Jake.

Parang naging comedy tuloy ang dating, di ba?
Marami pang instances na hindi ko na kailangang isa-isahin pa.
Ang point ko lang dito ay para patunayang hindi totoo ang pinagsasabi ni Jaclyn na hindi ako boto sa anak niya dahil dalagang ina ito.

My gosh!” ang nanggagalaiting sabi pa ni Laarni.

“Ang sabi ni Jaclyn, hindi raw niya alam na merong camera na kinukunan siya habang nagsasalita.

Kaya galit na galit daw siya sa ABS-CBN dahil hindi niya akalaing ilalabas ang paglilitanya niyang iyon.

Paano niya sasabihing hindi niya alam na merong camera eh, presscon iyon at hawak pa niya ang mic habang siya’y nagsasalita. That’s weird ha!” pahabol pa ni Laarni.

Marami pa kaming napag-usapan ni Laani that night and no one can stop her from talking about this issue – para naman madepensahan ang sarili niya sa mga naging pahayag ni Jaclyn.

Ngayon, nagkalamat na tuloy ang kanilang samahan.

Andi texted Laarni at humihingi ito ng dispensa dahil sa “mess” na idinulot daw ng kanyang ina.

Kahit balitang break na sila ni Jake ngayon, Andi is still asking Laarni for a chance na magkita sila para personal daw siyang makahingi ng pasensiya.

Hirit pa ng nanay ni Jake, “Hindi ako galit kay Andi dahil unang-una, biktima lang din siya rito.

Pero huwag lang ngayon. Sa tamang panahon, haharapin ko siya.”

Nakakaloka ang mga eksena.

With this, we expect to hear the side of Jaclyn again pero rest assured na hindi na magsasalita pa si Laarni unless provoked daw.

We are praying na sana’y maayos na ang gulo sa pagitan nila.

Pero in the meantime, Jake is back sa London and in a year and a half, ga-graduate na ito. Good luck, Jake.

“Sana one day ay makahanap din ang anak ko ng babaeng mamahalin niya for the rest of his life.

Kung si Andi man iyon, hindi ko alam.

Hindi ko hawak ang destiny ng anak ko.

Diyos lang ang nakakaalam dahil ako’y caretaker lang ng mga anak ko,” Laarni ends.


c/o BANDERA

No comments: