Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, November 6, 2012

ALJUR ABRENICA Nag Improve Ang Pag Arte!!!


At least hindi lang naman pala ako ang nakapansin na gumaling na sa aktingan si Aljur Abrenica. Aba marami akong nababasa lately sa online na pinupuri na ang acting ng actor.

Siyempre nga naman, malaki ang expectation ng GMA 7 Network sa Coffee Prince dahil pumatok ang original version nito nang ipalabas noong 2008. Sa una at sa mga sumunod na episodes nito, hooked agad sila sa panonood.

Kaya maraming nag-abang nang magkaroon ng remake na bida sina Aljur at Kris Bernal.

Maituturing na malaking project ito ng actor bilang si Arthur Ochoa, ang mayamang-pogi na may-ari ng isang coffee-shop habang si Kris ay si Andy Gomez na struggling breadwinner na nagpanggap na lalaki at napilitang mag-trabaho sa coffee shop na pawang mga lalaki ang kasama. Pero dahil sa twist of fate, kinontrata siya ni Andy bilang gay lover para maiwasan ang babaeng gustong makipag-da­te (Arthur) sa kanya. At walang alam ang mayamang boss na totoong babae si Andy.

Hanggang ma-in love na si Andy at doon nagsimula ang mga nakakalokang mga pangyayari.

Sa early stages of production, nag-alala si Direk Ricky Davao kung paano tatanggapin ng mga critics at manonood ang remake ng Coffee Prince bilang kinabiliban nga ang original version nito at umani ng mga papuri.

Pero nang simulan na nila ang taping, nakita niya ang lakas ng chemistry ng magka-loveteam na tamang rason na para panoorin ang dinidirek niya.

True enough naman, napansin nga sila at pumapalo sa ratings at ‘yun nga naging isa sa hot topic sa social media at ilang online platforms.

At siyempre ang napansin nga nila ay si Aljur.

May emosyon na raw si Aljur sa mga eksena nila. Hindi na blangko at natural na ang galaw.

“Aljur is a revelation, to tell you honestly,” sabi ni Direk Ricky. “He’s more committed to his craft now more than ever. Also, I noticed that his acting style has matured in a sense that he has learned to delve more into who the character really is.

“As a director, I am inspired to work with people, especially actors, who genuinely surprise you. That’s him, and I hope he continues doing a good job,” dagdag ni Ricky na isa rin siyempreng maga­ling na actor bago pa man naging abala sa pagdidirek sa GMA 7.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

1 comment:

Anonymous said...

I agree, gumaling si Aljur, sa pag iyak, tunay na tunay...Congrats Aljur...guapo na maganda pa ang katawan at boses !!