Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, November 11, 2012

AL-KRIS Fans Ginagaya Ang KIMERALDS.. KYLIE PADILLA Hinaharass nang Fans Nina Aljur Abrenica at Kris Bernal!!!


MAY PAKIUSAP lang si Aljur Abrenica sa fans nila ni Kris Bernal na huwag na sana nilang i-harass si Kylie Padilla dahil hindi naman ito nakasisira sa loveteam nila, eh.

Iba na kasi ang fans ngayon talaga! Ang tatapang na nila kapag tingin nila nakasisira sa loveteam ng idol nila ang isang tao.

Naging open na kasi sina Aljur at Kylie sa relasyon nila. Pero in fairness, tahimik lang naman ang huli at ayaw nga niyang pag-usapan pa. Ang gusto naman ni Kylie kasi, na kung ano man ang magandang relasyon nila ni Aljur, sa kanila na lang ‘yun at huwag nang i-showbiz pa.

Sa totoo lang, ayaw nga niyang makasama si Aljur sa pelikula nitong Kuratong Baleleng pero request lang talaga ni Robin Padilla kaya ginawa nila ito.

Madalas daw kasing naha-harass si Kylie ng Al-Kris fans kaya apektado na rin ang isa. Nalalait ito sa internet na sa totoo lang wala namang ginagawa ang isa.

Kaya sabi ni Aljur, intindihin na lang ang kung anong meron sila ni Kylie.

“Siyempre po hindi ko naman masisisisi ang fans. Humahanga lang naman sila sa amin ni Kris. Maliban sa paghanga, higit pa du’n ang gusto nila,” sabi ni Aljur.

“Pero sinasabihan ko na lang si Kylie na huwag na lang niya pansinin, kasi fans ‘yan. Hayaan na lang niya, kasi may sari-sarili tayong opinyon, may sarili tayong gusto. Respetuhin na lang natin,” patuloy nito.

Kaya pakiusap ni Aljur; “Sa fans, mga tao lang din kami. Si Kylie may damdamin din. Respetuhin na lang natin ang kung ano man pong kagustuhan namin. Pero kami po kung ano man ang kagustuhan ninyo, isa lang naman po ang hangarin namin, ang mapasaya kayong fans.”

Parang lalo ngang lumalim ang pagmamahalan ng dalawa dahil kailan lang hinarap na nga ni Aljur si Robin at seryoso silang nag-usap.

Naintindihan naman daw ng young actor ang naramdaman ni Robin kaya nangako naman siyang malinis ang hangarin niya sa anak nito.

Siyempre, touched naman si Kylie. Pero pareho naman ang focus nila na prioritized ang trabaho at basta nandiyan lang ang lovelife nila.

Bongga na ‘yun!

1 comment:

Anonymous said...

Grabe naman po ..
I think naman na walang harasang nagaganap between Kimerald fans and sa mga issues dito.

Normal lang siguro na mag comment kami kung affected ang mga iniidolo namin. At saka hindi kami magsasalita kung hindi kami naaapakan.