Ano ang mas pinapanood ninyo?

Saturday, November 10, 2012

AGA MUHLACH : I’m not disqualified.


NAGSALITA na finally si Aga Muhlach tungkol sa pagkakatanggal nila ng kanyang asawang si Charlene Gonzales sa voters list ng San Jose, Camarines Sur.

Sa exclusive report ng “Aksyon,” ang primetime newscast ng TV5, inihayag ni Aga na confident siyang ang desisyon ng municipal court na tanggalin sila sa voters registration doon ay hindi makakaapekto sa kanyang kandidatura bilang kinatawan sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Nakausap ng News5 si Aga ka makailan sa airport bago siya tumungong Camsur.

Pahayag ng Liberal Party candidate, “Mahirap nang magsalita but basically everything is under control. I’m not disqualified. I will vote! It’s my right to vote. Hindi nila matatanggal sa ‘kin ‘yun.”

Positibo si Aga na pagbibigyan ng korte ang kanyang apela na kilalanin ang kanyang residency sa nasabing bayan.

Dagdag pa niya, naniniwala siyang “politically motivated” ang mga hakbang upang ma-disqualify siya bilang botante at kandidato sa San Jose

Paliwanag niya sa News5, “Inasahan na naming mangyayari lahat ito. It’s nothing really so…Nagpapasalamat na lang ako sa lahat ng tumatawag sa ‘kin. Lahat maaayos yan, and hindi nila pwedeng lokohin ako.”

Nagparehistro ang mag-asawa abilang mga botante sa San Jose noong March 19 at inaprubahan naman ang kanilang rehistro last Sept. 28 ng Election Registration Board ng nasabing lugar.

Pero nabaligtad ang nasabing pag-apruba sa kanilang registration ng may mga nagpetisyon at kumuwestyon sa kanyang residency.

Naniniwala ang 43-year-old TV-host actor na hudyat ito na nahahabag na diumano ang buntot ng kanyang makakalaban.

Aniya, “Sabi ng mga nakakasama ko, ganun daw talaga ‘yan pag malakas ka. Pero ayoko naman isiping malakas ako.”

Dagdag pa ni Aga, “Basically ‘yung mga petition naman nila talaga, ‘yung mga disqualification, ‘yung nga citizenship residency are covered.

So it’s just normal na binabato nila sa akin iyon… Sabi ng iba, baka raw kinakabahan na sila kaya ganun.”
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: