Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, November 5, 2012

AFFAIR Ni BEA ALONZO mas Tinutukan Kay Sa TEMPTATION Ni MARIAN RIVERA



MAINIT na tinanggap ang A Beautiful Affair na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at John Estrada sa pilot episode noong October 29 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ito sa national TV rating na 25.3% o sampung porsyentong mas mataas sa pilot episode ng Temptation of Wife ng GMA (15.5%).

Puno naman ng papuri ang mga netizen sa Twitter na nagustuhan ang timpla ng kilig, drama, at aliw sa nasabing episode ng A Beautiful Affair sa pagsasalaysay ng kuwento ng pagkakaibigan nina Edward (John) at Leon (John Lloyd), ang trahedya ng pagpanaw ng ina ni Leon, at maging ang nakakatuwang pagtatagpo nina Leon at Gen (Bea) sa Austria.

Nagandahan din sila sa malapelikulang kalidad ng teleserye, ang maayos na pagkakalahad ng istorya, pati na ang malakas na chemistry ng pinakamagandang love team ng bansa.

Ngayong linggo, pipiliting tanggapin ni Gen ang katotohanang may iba nang mahal ang kasintahang nagtaksil sa kanya at pipilitin naman ni Leon na buuin ang sarili. Higit naman nilang makikilala ang isa’t isa sa kanilang paglilibot sa Vienna. Tuluyan na kayang buksan ng malihim na si Leon ang kalooban at pagkatao kay Gen?

Tutukan ang A Beautiful Affair mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Ina Kapatid Anak sa ABS-CBN Primetime Bida.

No comments: