Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, November 9, 2012

8 NAGLALAKIHANG KAPAMILYA STARS, TAMPOK SA X’MAS COUNTDOWN NG WANSAPANATAYM

NGAYONG araw, Sabado na ang simula ng eight-week Christmas countdown ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym.

Tampok sa walong Christmas episodes ang ilan sa mga pinakamalalaking Kapamilya stars kabilang sina Angel Locsin, Sam Milby, Carmina Villaroel, Erich Gonzales, Angeline Quinto, Julia Montes, Coco Martin, at ang bibida sa episode ngayong Sabado na si Cristine Reyes.

Gagampanan ni Cristine sa Monito ni Monica episode ang karakter ni Monica, isang babaeng naniniwala na ang lahat ng kabutihan ay dapat may kapalit. Nang pagkalooban siya ng mahiwagang kahon na may kakayahang palitan ang lahat ng kanyang ibinibigay, aabusuhin ni Monica ang kapangyarihan ng kahon at gagamitin niya ito para makuha ang lahat ng kanyang mga ninanais. Masosolusyunan pa ba ang pagkagahaman ni Monica at matutuhan ang halaga ng wagas sa pusong pagtulong sa kapwa sa sandaling matuklasan niyang nakaw ang lahat ng kapalit na kanyang natanggap?

Makakasama ni Cristine sa Monito ni Monica sina Jaime Fabregas, Carlo Aquino, Allyson Lualhati, at Elaine Quimuel. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Yam Tanangco at Cris Lim, direksiyon ni Darnel Joy Villaflor.

Huwag palampasin ang maagang pamasko ng CMMA Best Children and Youth Program, Wansapanataym ngayong Sabado ng gabi.

c/o HATAW

JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: