Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 24, 2012

ZSA ZSA PADILLA HUMIHINGI NA NANG APO KAY KARYLLE!!!


MAAGANG pupunta si Zsa Zsa Padilla sa puntod ng namayapa niyang partner na si Dolphy dahil aalis sila ng kaibigan niyang si Kris Aquino para sa Hong Kong mag-Undas.

Ang sabi ni Zsa Zsa nu'ng una ay mahirap pumunta ng HK dahil paboritong lugar 'yon ni Dolphy, pero nu'ng sinabi ni Kris na sa Disneyland sila pupunta ay pumayag na siya dahil hindi pa sila nagpupunta roon ng kanyang 'Lovey.


"Ang advice sa akin ni Kris, 'We have to create new memories,'" bulalas ni Zsa Zsa kahapon nang matsika namin siya sa launch niya bilang endorser ng ZO (Zein Obagi) Skin Health and Medical Systems.

Bale sa Oktubre 31 ang alis nila ni Kris. Dadalaw muna siya sa Heritage ng 30th dahil darating din ang anak niyang si Nicole mula Australia sa araw na 'yon.

Mukhang napapadalas ang paglabas-labas nila ni Kris. Nababasa namin sa Twitter na nagwa-watch sila ng movies together.

"I think 'pag may tweets kasi ako na alam niyang feeling lonely ako... kasi 'pag meron akong mga kinakausap talaga at alam mo 'yung feeling ng mawalan ng mahal sa buhay? Madali kang maka-relate, eh.

"Alam na alam niya (Kris) 'pag nag-e-emo ako. Alam na alam niya. Itu-tweet na niya ako, isang basa lang niya. 'Zshing, labas tayo, nood tayo ng sine, ganyan-ganyan...'

"'Pag alam niyang type ko 'yung pelikula, ako 'yung niyayaya niya. Madalas nga na­ming kasama, 'yung mga anak niya, eh. Napaka-wholesome talaga. Ha! Ha! Ha!" tawa ng Divine Diva.

So, idea ni Kris 'yon na sa HK na lang sila magpalipas ng Undas?

"Oo. Kasi alam niya, mag-e-emo na ako. Kilalang-kilala na niya ako, 'Naku, 'pag 31, ayan na si Zsa Zshing, kunyari kaya niya!' Syempre, meron naman tayong gusto na­ting maging matapang...

"Pero alam niya, alam na alam niya. So, nu'ng sinabi pa lang niyang Hong Kong, sabi ko, 'Ayokong sumama.' Kasi, favorite place ni Dolphy 'yon, 'di ba? Pero sabi niya, 'Hindi, Disneyland, eh!' So, sabi ko, 'Oo nga naman!'"

Wala pa bang mga 'nagpaparamdam' sa kanya ngayong isa na siyang biyuda?

"In an intimate way? Wala. At saka awkward na ang edad ko, 'di ba? Mas masarap ngang singkuwenta kesa sa age ko, eh...

"And I think, because Dolphy is a very respected man in this country and siyempre, 'pag nalaman naman, na kahit na siguro foreigner, na nawala 'yung partner mo sa buhay, wala namang mag-a-attempt ng kung anu-anong ganyan, 'di ba?" pakli ng 48-anyos na singer-actress.

Ang panganay niyang si Karylle ay ayaw na makipag-date siya ulit.

"Oo naman. Kasi alam mo, 'pag ganitong edad ka na... Ha! Ha! Ha! Ilang beses na rin akong tinanong niyan, pero parang hindi talaga, eh. Sabi ko, parang yucks, kadiri!! Ha! Ha! Ha!

"Hindi na bagay, kasi ano na ako, doon na ako sa stage ng buhay ko ngayon na I'm looking forward to mag-asawa 'yung mga anak ko, magkaroon ako ng mga apo.

"Syempre, 'pag nakikita ko si Lorna (Tolentino) na sobrang napaka-prescious ng kanyang apo (kay Rap Fernandez), 'di ba? Sabi ko, 'Nakakainggit naman!'"

So, handa na siyang magkaapo sa mga anak niya?

"Oo naman. Nape-pressure ang mga anak ko 'pag sinasabi ko 'yan, eh. Lalo na si K (Karylle). Kasi sabi niya, 'Ako ba? Ako ba 'yung sinasabihan mo?'" natatawang sey ni Zsa Zsa.

Paano kung pagkatapos ng babang-luksa or kahit later pa ay may ipa-date sa kanya si Kris? Nagrereto kasi si Kris sa mga kaibigan, 'di ba?

"I think prerequisite talaga na mas mainlab sila sa pamilya ko, lalo na sa mga anak kong babae. 'Yun, dadaan muna sila sa mga anak kong babae."

So, posible 'yon? Open siya sa idea na 'yon kung sakali?

"Siguro naman. Ha! Ha! Ha!

"Hindi ko alam, eh. Sa ngayon, hindi pa talaga. Hindi ko alam, dyusko! Hindi ko talaga masagot. Let's cross the bridge when we get there! Ang baduy ng sagot, 'no? Ha! Ha! Ha!"
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: