Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 25, 2012

WILLIE REVILLAME Matatapos Na Ang Kontrata sa TV5 sa 2013... Nagbabadya Bang Magbalik KAPAMILYA??!


HINDI NAMAN ikinaila ni Willie Revillame na hanggang 2013 na lang ang kontrata niya sa TV5. Kaagad naman itong binigyan ng hindi magandang kahulugan ng detractors ni Willie na tuluyan na raw matsu-tsugi ang programa niya sa TV5.

But knowing TV5 management, lalo na ang kanilang big boss na si Manny Pangilinan, hindi nito bibitawan si Willie na mawala sa Kapatid Network.

Samantala, tawa at hindi na lang pinapansin ni Willie ang paninira pa rin hanggang ngayon sa kanya. Basta importante ay masaya siya at good provider ng mga anak. Sabi nga, hindi siya naging good husband, naging very good provider naman siya ng kanyang mga anak.

Naglaaan nga si Willie ng isang araw na makasama ang lahat ng kanyang mga anak na magbakasyon sa Macau at Hong Kong para magkaroon sila ng bonding at tuloy sabihin sa mga anak ang mga pinaggagawa niya at mga ari-ariang dapat malaman ng lahat ng kanyang naging anak.

Politics, walang-wala raw sa plano niyang pasukin ang pulitika. Tumulong sa kandidato na kanyang pinaniniwalaan ay posible pa raw.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: