Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, October 18, 2012

VICTOR BASA Umamin Na Mahigit Isang Taon Na Silang Nag Li-LIVE-IN Ni DIVINE LEE!!!!


Si Victor Basa ang isa sa pinaka-excited sa bagong daytime drama ng GMA 7 na Cielo de Angelina na pagbibidahan nina Bea Binene at Jake Vargas.

Ito ang unang drama series sa morning block dahil lumalakas na rin ang timeslot na ito sa drama.

Ito ang first project ni Victor sa GMA 7 at masaya siya dahil tinanggap ito nang inalok siya ng manager niyang si Arnold Vegafria.

Gaganap dito si Victor bilang si Dr. Frank na nanggagamot ng libre sa mga mahihirap na pasyente.

Nang nakatsikahan namin si Victor sa presscon ng Cielo de Angelina, ang kasintahan niyang si Divine Lee ang napag-usapan namin.

Inamin niyang seryoso na ang kanilang relasyon na umabot na ng tatlong taon.

Pinag-uusapan na nila ang kasal, pero mukhang hindi pa sila handa dahil kailangan pa niyang mag-ipon nang husto.

Inamin ng aktor na mahigit isang taon na silang nagli-live in at mas gusto niyang ganu'n.

"I think it's important kasi mas mabuting makita mo ang tunay na ugali kesa magpakasal, ay hindi pala.

I think it's practical din eh," pahayag ni Victor.

Hati raw sila sa mga gastusin sa bahay, dahil sila ang humahawak ng kanilang pera.

Wala pa silang joint account, at maayos ang hatian nila ng mga gastusin sa bahay.

Kung si Victor ang tatanungin, nakikita niya kay Divine ang qualities ng babaeng pakakasalan niya.

Sa Lunes (October 22) na magsisimula ang Cielo de Angelina bago mag-Eat Bulaga.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: