Ano ang mas pinapanood ninyo?

Friday, October 19, 2012

VIC SOTTO Tikom Pa Din Ang Bibig Sa Relasyon Niya Kay PAULEEN LUNA!!!


Iwas na iwas naman si Vic Sotto na matanong tungkol sa kanyang lovelife. Unlike noong sila ng kasama niyang host sa Eat Bulaga na si Pia Guanio na nagbibigay siya ng pahayag kahit paano, dito sa napabalitang relasyon niya diumano sa isa na namang female host na kasama niya sa show na si Pauleen Luna ay tikom ang bibig ni Bossing.

Sa presscon ng bago niyang game show sa TV5, ang The Million Peso Money Drop, mukha namang nasa mood si Vic na sagutin lahat ng tanong sa kanya except his lovelife.

Marahil ay gusto niya lang protektahan si Pauleen para makaiwas sa intriga.

Alam naman kasi ni Vic na isang salita lang ang sabihin niya ay marami na ang magbibigay ng kanilang opinyon. Pressured na naman si Bossing sa bago niyang game show sa Kapatid network na nagsimula na noong Linggo.

New show, new franchise and never been aired daw kasi sa Pinas ang The Million Peso Money Drop.

Ito ang local version ng British game show na The Million Pound Drop Live, na dinebelop ng Endemol gaya rin ng Extreme Makeover: Home Edition na nagkaroon din ng local version sa TV5.

“Siguro sa mga core groups lang nila tine-test.

But me, personally, after watching episodes of America and British, alam ko o may confidence na magki-click siya sa Pilipinas,” diin pa ni Vic.

Mula si Vic sa matagumpay na Who Wants To Be A Millionaire na talagang kinagiliwan at inabangan ng ating mga kababayan.

Taglay ang kanyang charisma at galing sa pagpapatawa, tiyak na mage-enjoy ang mga manonood pati na ang studio contestants.

Patuloy pa rin ang auditions para sa nasabing game show.

Ang susunod na audition ay sa Okt. 18, Huwebes, sa TV5 Delta Studio.

Kailangang magdala ng dalawang valid IDs, isang 2×2 picture, original NBI clearance, birth certificate at medical certificate.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: