Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Vic Sotto, minaliit ang filmfest entry nina Vice Ganda, Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas?!


PUWEDENG PAGMAMALIIT o pagmemenos ang ipakahulugan sa tinuran ni Vic Sotto tungkol sa makakabanggaan nilang pelikula sa darating na Metro Manila Film Festival. Their entry—kasama sina Bong Revilla at Judy Ann Santos—will be up against an Ai-Ai de las Alas-Vice Ganda movie.

“Tuloy ba ‘yon?” Bossing asked the press in disbelief. At nang sabihing it’s all-systems-go, “Magkaiba naman kami ng crowd, magkaiba rin ang genre.” Pero agad kumambiyo si Bossing, “Ai-Ai is a very good friendof mine,” patungkol sa kanyang ka-tandem in last year’s festival, kung saan idineklarang top-grosser ang kanilang pelikula.

Samantala, excited din si Vic sa kanyang bagong game show sa TV5 replacing Who Wants To Be a Millionaire on primetime Sunday. Aired in over 40 countries, The Million Peso Money Drop reaches Philippine shores as yet another fun-filled game show that piloted last Sunday. Sa una nitong sultada, ang magkapatid na Eric at Epi Quizon ang nakipagsapalaran for the million-peso prize.

Ani Bossing, there lies a big difference between the two game shows. Sa WWTBAM, the lone contestant strives to get as much money as he can for every correct answer. Nasa sa kanya rin kung hihinto na siya while Vic prepares a cheque equivalent to the winnings that the contestant has so far made.

“Dito sa Money Drop, mataas na agad ang level of excitement. Hindi pa man kasi nagsisimula ang game, meron nang isang milyong piso ang pares ng mga maglalaro. Ngayon, diskarte na nila kung paano idi-distribute ang mga bundle ng pera (each bundle is worth P25,000). Kung sure na sure sila sa sagot, puwede nilang itodo ang kanilang bet,” says Vic of the mechanics.

c/o Pinoy Parazzi

No comments: