Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, October 17, 2012

Trip to Switzerland ni Sarah Lahbati regalo ni Richard Gutierrez!


Naunahan ni Arnold Clavio ang mga showbiz talk show dahil si Sarah Lahbati ang kanyang special guest sa show niya sa GMA News TV noong Martes.

Fresh na fresh ang balita tungkol sa pag-amin ni Richard Gutierrez na girlfriend na nito si Sarah at si Arnold ang unang nakapagtanong sa reaksiyon ng young actress.

Ang sey ni Sarah, kung ano ang nakikita ng mga tao, ‘yun na ‘yon. Ang ibig sabihin, may relasyon na talaga sila ni Richard.

Nang makausap si Richard ng entertainment press noong Linggo, tinanong siya tungkol sa 19th birthday gift niya para sa kanyang girlfriend. Nag-smile si Richard at nag-dialogue na si Sarah na lang ang tanungin.

May balita na ang recent trip nila sa Switzerland ang birthday gift ni Richard para kay Sarah. Ganyan ka-generous si Richard.

“Halma” ang tawag nina Richard at Sarah sa isa’t isa. Hindi French word ang halma dahil Pinoy na Pinoy ito. Binaligtad lamang nila ang salitang mahal at presto, ‘yun na ang tawagan nila. How sweet ‘di ba?

Asahan natin na puro tungkol sa relasyon nila ni Sarah ang itatanong kay Richard sa press launch ng Extra Challenge Extreme. All about Dingdong Dantes naman ang uusisain ng press kay Marian Rivera, ang co-host ni Richard sa nagba­balik-telebisyon na reality show ng GMA 7.
JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

 Please follow us on twitter for more updates https://twitter.com/ShobizTopiNews (@ShobizTopiNews) and dont forget to put comments on each article. So we will know the stories you want to read! Your thoughts are important to us.

No comments: